1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Paano Ba Maging Hacker?

Discussion in 'Linux Distributions' started by Nicolandia15, May 25, 2016.

  1. [​IMG]
    Nung nag umpisa akong mag post ng mga tutorial dito sa PHCorner tungkol sa pag hack like ng Wifi and OS, may mga ilan ditong gustong matuto kung paano ba talaga mag hack. So naisip ko na instead ilagay ko dito yung alam kong tricks eh mag umpisa ako sa pinakauna. Then I started Linux Basics Tutorials para matulungan silang matuto paano gumamit ng Linux which is yung pinaka dominant na OS sa mundo ng hâckïng.

    Bakit gusto mo maging hacker? In demand yung mga hacker sa mga IT Security firms, military? (not sure sa'tin), sa mga malalaking organization, and since mejo may shortage tayo sa mga skilled hackers, pataas din ng pataas ang sahod dito. Before ako mag start, lahat ng ito ay opinion ko lang po, feel free to add kung gusto niyo po. Game!

    [​IMG]
    Formal Education ba or Experience?
    Yung maganda sa profession na to is maraming way or depende sa approach mo, unlike kunyari kung gusto mong mag abogado, wala kang ibang way talaga kundi mag aral ng Law. Now sa hâckïng naman, hindi ito always ang sitwasyon. Maraming nagsasabi na para maging successful ka sa larangan na to, kailagan mong mag aral at kumuha ng mga certificates, on the other hand may mga nagsasabi naman na pwede kang mag umpisa sa hâckïng without proper education at magiging magaling ka pa din naman.

    Well sa taong 2016, di ko alam yung ratio ng mga path na kinuha nila. Pero tingin ko mas marami yung latter which is nagka interest lang sa computer, nagsimula silang paglaruan ito, buksan, gawin ulit, at sirain. At wala po akong sinasabing wag na tayo mag aral lahat, College degree po sinasabi ko dito, which is yun yung susundin ko. Pero I'm trying to make a point na hindi lang ito ang paraan para maging hacker. Pag may formal education ka naman syempre expect mo na mabilis ka makakakuha ng trabaho.

    I'm not generalizing this pero tingin ko at sabi na din ng mga kaibigan ko na ang mga college professors ay may konti or minsan walang alam sa hâckïng. I get it, professors are trained kung pano gumawa ng system or computer, hindi kung pano sirain ito. Basically yung mindset nila is hindi kagaya sa isang hacker.

    Anong Mindset?
    Isa sa mga pinagkaiba natin compare sa mga regular IT's is kung pano tumakbo yung utak natin. I don't know, again this is just my two cents.

    1. Problem Solving
    2. Creativity
    3. Pagtulong sa kapwa hacker
    4. Persistence

    Napansin niyo ba sa mobile section kung pano sila mag share ng mga tricks nila once may ma figure out silang bagong trick? Yes, what they're doing is still hâckïng at hindi sila titigil hangga't hindi nila na didiscover pano magkaroon ng libreng internet.

    Hindi tayo limitado sa isang bagay lang pag hindi na solve ang problema, actually ang hacker ay may multiple solutions sa iisang problema. Pag may humarang man sa daan, hahanap at hahanap tayo ng paraan kung pano ma bypass ito. Wag tayo umasa sa tools na ginawa ng iba, pwede tayong gumawa ng sarili nating tools. Ika nga nila is think outside the box.

    Basics Background
    Ang isang hacker ay obviously dapat may background sa IT field. Kasama na dito ang Linux Basics at Networking Basics (check my other tutorials for more info). Dapat marunong ka din magsulat ng sarili mong script, basic BASH scripting. Tsaka I highly recommend this following: Python, Perl or Ruby.

    If for example gusto mong mag attack ng database, SQL basics or knowledge is required din. Kung gusto mo naman ng mga websites, mas useful din na marunong ka ng mga web language na available.

    Para sakin mas madali mag build muna ng something bago mo sirain, like app kunyari, mas magandang mag build ka muna ng app then pag aralan mo pano i-hack.

    Skill Set ng isang Hacker
    Napakalawak ang field na to, kahit ako feeling ko na scratch ko pa lang ang surface sa mundo ng hâckïng. Pero kailangan mo mag focus sa isang bagay para mas maging efficient. As mentioned above, kailangan mo matuto ng Linux at Networking, pag gamit ng isa sa pinaka popular na OS sa hâckïng, Kali Linux at ang mga kilalang tools na ginagamit dito.

    • Nmap
    • Wireshark
    • Please or Register to view links
    • Air©râck-ng
    • BeEF
    • Snort
    • SqlMap
    • Dsniff
    • Sysintervals
    • Splunk
    • Tamper Data
    • p0f
    • John the ripper
    • Hashcat
    Actually mahaba pa ang listahan at mostly ginagamit ko yan, though I admit hindi ko pa master ang iba sa mga tools. Pero naniniwala ako na ito ang pinaka importanteng tools na magandang i-master kung gusto mong maging hacker.

    Pumili ka ng focus, isa isa lang, napakalawak ng mundo ng IT at hâckïng at napakaraming languages na kung gusto mo pag aralan ulit, mawawalan ka lang ng gana. Start from one tool then pag comfortable ka na gamitin, move sa next. Ang weird naman kung pag aaralan mo lahat, I mean, i-master mo lahat, all at the same time. Edi kaw na. You'll end up frustrated trust me.

    [​IMG]
    Source: sti.edu
    Certifications
    Mostly yung hinahanap ng IT industry is Certifications compare sa degree. Specific skills over theory. Importante po ang certificate lalo na pag gusto mong mag apply or mag pa impress sa employer mo. Wala pa ko madagdag dito, since... I'm a student myself.

    What I know is yung demand sa mga hacker is lalaki pa for more years to come. Thanks for reading!


     
    Last edited: May 29, 2016
    mamark_117, Jcool, gmax02 and 18 others like this.
  2. Gusto ko maging hacker :(
     
    gmax02 likes this.
  3. Sana po matulungan ka ng guide na to. :)
     
    mamark_117 likes this.
  4. Jaychie

    Jaychie Honorary Poster Established

    nice thread TS :)
     
    Nicolandia15 likes this.
  5. ito ina abangan ko :) ang ganda na explanation mo TS thanks sa information doggebusterdoggebuster (y)
     
    Nicolandia15 likes this.
  6. astig pag hacker..sana matutu ako haha:dead:
     
    Nicolandia15 likes this.
  7. nako wala lhat ng basic background..haha yung Hello world lang alam ko
     
  8. kent123

    kent123 Addict Established

    ako din gusto ko rin maging hucker
     
  9. ako naman hooker:X3:
     
    janeil and Nicolandia15 like this.
  10. Dadaan ka talaga muna sa pagiging script kiddie :D
     
    Nicolandia15 likes this.
  11. Nice post boss, totoo lahat na sinabi mo. Meron kabang intaller ng kali boss, pwede ba i install yan sa windows os? Thanks boss.
     
  12. Eto po yung link ng installer : Please or Register to view links
    Pwede rin sa Windows pero gagamit ka ng Virtual Machine, or pwede ka din mag dual-boot or live CD/USB.

    Eto naman yung link kung gusto mo mag VM just in case.
    Please or Register to view links

    Tutorial para sa installation including VMs nasa Kali Website po lahat.
    Thanks.
     
  13. janeil

    janeil Honorary Poster Established

    wow!ayos yan boss.
     
    Nicolandia15 likes this.
  14. banditz

    banditz Addict Established

    simulat simula pa gusto ko magka idea sa ganyan sarap pagaralan nice thread !
     
    Nicolandia15 likes this.
  15. Sa mga seryoso jan at gusto magsimula at may free time. I'm offering seminars and classes for a low price of. haha, joke lang. Libre to guys, take advantage niyo na. Knowledge should be free!

    Guide for Kali Linux Newbies
    1. Please or Register to view links
    2. Please or Register to view links
    3. Please or Register to view links
    4. Please or Register to view links
     
    badswagger, Ampot 17, andoy23 and 3 others like this.
  16. Nice one ts! :) matagal ko na to hinahanap hehe pa BookMark muna hehe thanks ts! (y)
     
    Nicolandia15 likes this.
  17. Magandang offer yan boss ha. By the way taga saan ka baka pariho tayo ng lugar. Back to the topic boss, kailan ka mag simula ng seminar mo boss? Interisado ako boss.
     
  18. Nope. Sabi ko po joke lang yun eh. Watch out na lang po for more tutorials dito sa PHCorner. :)
     
  19. doggebusterdoggebuster hehehhe kala ko yon na. Sege boss abangan ko yang mga tut mo. Salamat boss.
     
    Nicolandia15 likes this.
Tags / Keywords: