What's new

Closed Paalam na muna

Status
Not open for further replies.

PHC - Mobile Droid TV

Eternal Poster
Joined
Apr 17, 2016
Posts
847
Reaction
217
Points
286
Age
26
Hayaan mo akong maglaro sa ilalim ng araw
Isang beses pa
Isang beses pa upang lalo kong maramdaman
Ang liwanag at ang init na kinakailangan ng aking katawan.

Hayaan mo akong maglaro sa ulan
Isang beses pa
Habang ang mga patak nito ay tumatama sa aking mga mukha
Ang sakit ng bawat patak ay tila sinyales na ako ay may nararamdaman.

Hayaan mo akong lumangoy
Papalayo sa pampang
Papunta sa malawak na karagatan
Matutong lumangoy papunta sa kawalan at bumalik sa dalampasigan

Bigyan mo ako ng panahon
Upang libutin ang daigdig
Upang pagdating ng panahon na kailangan kong tumindig
Sa harapan mo ay maipagmamalaki kong napagdaanan ko na yan

Kaya ko ang lahat
Kailangan ko lang ang tiwala mo
Tiwala ko…
Sa sarili ko
 
Tapos na ang aking ipinaglalaban
ewagayway kuna ang puting bandila
huhubarin ko lahat kung ano meron
sa sarili ko at lilipad na ako papunta sa araw..




Anyway nice poem boss...keep it up.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top