1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Niyog-Niyogan

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang Niyog-Niyogan ay isang gumagapang na halaman na nagkakaroon ng matitigas at kahoy na mga sanga. Kilala ito bilang halamang ornamental dahil sa bulaklak nito na may matingkad na kulay at mabangong halimuyak. Tinawag na niyog-niyogan sapagkat ang lasa nito ay kahalintulad mismo ng niyog. Ang halaman ay karaniwang tumutubo sa mabababang lugar at sa loob ng mga kagubatan sa mga bansang nasa rehiyong tropiko kabilang na ang Pilipinas.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA NIYOG-NIYOGAN?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang niyog-niyogan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang halaman ng niyog-niyogan ay may taglay na alkaloids, carbohydrates, protein, amino acid, saponins, glycosides, steroids, tannins, flavonoids at phenolic compounds.
    Ang langis na makukuha sa mga buto ay may taglay na oleic acid at palmitic acid
    Ang dahon ay mayroong rutin, trigonelline, L-proline, L-aspargine, at quisqualic acid
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Buto. Ang mga buto ng niyog-niyogan ay karaniwang pinatutuyo at kinakain o pinakukuluan upang mainom. Maaari din itong itusta upang makain.
    Dahon. Ang dahon naman ay karaniwang ipinangtatapal para sa ilang mga kondisyon. Ito rin ay maaaring dikdikin bago ipantapal sa balat. Para sa iba, ang pinaglagaan ng dahon ay mabisa ring gamot.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG NIYOG-NIYOGAN?
    1. Pagtatae. Ginagamit ang tinustang buto ng niyog-niyogan upang matigil ang tuloy-tuloy na pagtatae.
    2. Ubo. Mabisa naman para sa ubo ang pinaglagaan ng mga dahon ng halaman.
    3. Pananakit ng ulo. Para sa sakit ng ulo, karaniwang ipinantatapal sa noo ang dahon ng niyog-niyogan.
    4. Sakit sa balat. Ang iba’t ibang uri ng sakit sa balat gaya ng eczema ay maaaring matulungan ng paglalagay ng dinikdik na dahon ng niyog-niyogan.
    5. Problema sa pag-ihi. Ang hirap sa pag-ihi at pagkakaroon ng masakit na pakiramdaman sa tuwing umiihi (dysuria) ay maaari namang maibsan sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng niyog-niyogan.
    6. Lagnat. Mabisa rin para sa lagnat ang pagkain ng buto ng niyog-niyogan.
    7. Bulate sa sikmura. Malakas na pampurga sa impeksyon ng bulate sa sikmura ang pagkain sa pinatuyong buto ng niyog-niyogan.
     
    zegen likes this.
  2. bulate sa sikmura :LOL:
     
Tags / Keywords: