1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia neem tree

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang neem tree ay kilalang puno dahil sa gamit nito bilang pantaboy sa mga lamok. Ito ay mataas na puno na may palapad na mga sanga at mga dahon na may tusok-tusok sa gilid. Ang mga bulaklak ay maliliit, maputi at mahalimuyak. Karaniwang halaman sa India, Indonesia at Myanmar, ngunit nakikita din nang pailan-ilan sa Pilipinas.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA NEEM TREE?
    Ang iba’t ibang bahagi ng neem tree ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang mga buto ay makukuhanan ng langis na kung tawagin ay neem oil.
    Ang balat ng kahoy at mga dahon ay makukuhanan din ng langis at tannin.
    Ang mga buto ay mayroon ding alkaloid, amino acid, carbohydrate, glycoside, inulin, mucilage, tannin, steroid, triterpenoid, at flavonoid.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Ang buong halaman ng neem ay nagagamit sa panggagamot.
    Dahon. Ang mga dahon ay maaaring dikdikin at ipantapal sa ilang uri ng kondisyon. Maaari din itong ilaga at inumin na parang tsaa.
    Ugat. Ang ugat ng halaman ay karaniwan namang nilalaga at iniinom.
    Bunga. Ang bunga ng halaman ay maaari ding kainin para sa ilang kondisyon.
    Balat ng kahoy. Karaniwan ding nilalaga ang balat ng kahoy para mapakinabangan sa panggagamot.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG NEEM TREE?
    1. Pagdurugo ng gilagid (gingivitis). Maaaring ilagay sa nagdurugong gilagid ang neem oil upang matulungan ang kondisyon ng gingivitis.
    2. Pilay (sprain). Ang dahon ng neem na dinikdik ay maaaring ipantapal sa bahagi ng katawan na apektado ng sprain o pilay upang maibsan ang pananakit.
    3. Bulate sa tiyan. Dapat inumin ang pinaglagaan ng balat ng kahoy para mamatay ang mga bulate sa sikmura.
    4. Lagnat. Mabisa rin para sa lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng neem.
    5. Almoranas. Makatutulong naman sa kondisyon ng almoranas ang madalas na pagkain ng bunga ng neem.
    6. Galis. Maaari namang ipampahid sa balat na apektado ng galit ang dinikdik na dahon ng neem.
    7. Malaria. Matutulungan naman ng pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon ng neem na mapahupa ang sintomas na nararanasan kaugnay ng sakit na malaria.
    8. Sugat. Mabisa naman na panlunas sa sugat ang pagpapahid ng dinikdik na dahon ng neem
     
    zegen likes this.
Tags / Keywords: