1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Help need help

Discussion in 'Computer Repair Questions' started by Dongdu, Feb 28, 2015.

  1. Patulong naman po, kasi pag binubuksan po yung Computer namen, hanggang windows starting lang po siya at pag lumabas na po ang logo, mga 10 seconds mag rerestart po siya ng paulet ulet, pa help po, thanks po
     
  2. Good day!

    Hi! Hindi po ako magaling pagdating sa PC, pero bago pa po umabot yan sa pagpapagawa,, try mo po munang i-troubleshoot sa mga simpleng steps.

    Try mo po i-run ng Safe Mode...
    Usually, habang nagbu-boot pa lang yung PC, press mo yung F8 then choose safe mode.
    Kapag nagtuloy-tuloy ng bukas, check mo yung mga nasa startup, baka may simpleng virus lang ang naka-lusot.

    Or kung may iba ka pong malinis na PC, magburn ka ng bootable antivirus like avast! Rescue CD. Para ma-scan yung system kahit di pa naglo-load yung OS.

    Kung wala talagang virus,, try mo po yung baglak-kabit.
    Tanggalin lang yung IDE/SATA sa board at sa hdd then i-kabit.
    Ganun din sa ram. (Pwedeng kiskisin din ng white eraser yung gold part sa ram).

    Ganyan lang ginagawa ko kapag nagka-aberya bago umabot sa pag-rereformat. :)
     
    Dongdu likes this.
  3. Try ko po mamaya sir, wala naman po siyang virus, kasi na dedetect po ng antivirus nun yung mga virus po

    Reply na lang po ako mamaya sir kapag gumana po yung mga sinabe mo, Thanks po :)
     
    Odlanyer22 likes this.
  4. Pwede po bang i reformat yun sir?, kahit ganun lang po?, wala po kasing salpakan ng CD sa CPU eh
     
  5. I-troubleshoot mo muna, mamaya kulang lang pala sa baklas-kabit. Desktop ba yan?
    Minsan kasi umuubra naman sa ganun eh.
    Hindi laging solusyon ang pagre-refomat.

    Sa pagre-reformat naman, ok lang kahit walang cdrom kung may usb port at bootable os na nasa flash drive. I-set mo lang sa bios yung USB/Flash drive sa first boot, tapos HDD 0 naman sa second boot. :)
    At para ma-access yung bios settings, press del or F2 habang kina-calculate pa lang yung available ram. :)

    Kung di ka masyadog pamilyar, mas maganda kung may kakilala kang makaka-pag-guide sayo in actual sana. :)
     
    Dongdu likes this.
  6. Opo nga sir eh, papasok palang po kasi ako ngayong pasukan eh, first year IT para may alam din kahit papano, sir pwede po bang tanggalin yung cd rom sa CPU?, may isa po kasi kameng CPU may Cdrom po ata yun, pwede po ba ilipat yun dun sa may cpu namen na wala po?
     
  7. Ah, ok yan. (y)
    Depende.
    Kung same sila ng connector (IDE or SATA) *from motherboard to hdd/cdrom*, pwede.
    Pero sa ngayon kahit IDE slot pa yan, pwede na kabitan ng SATA, may nabibili na kasing converter sa cdr king (atbp. comp.parts shop) ngayon.

    *IDE slot - di ako sure sa term ko since di ko naman linya ang computer-related matter. I mean, yung pinag-sasalpakan IDE sa motherboard.

    IDE:
    [​IMG]

    SATA:
    [​IMG]
     
    Last edited: Feb 28, 2015
    Dongdu likes this.
  8. Ahm, marame pong salamat sir, salamat po sa kabaitan at pagbibigay ng idea :)

    Last natanong po boss, yung CPU po kasi namen na isa na may cd rom, Japan made po siya eh, yung 110 volt, pwede po ba yun dito sa may 220 na cpu po?
     
    Odlanyer22 likes this.
  9. Paumanhin. Yan ang di ko na alam. :Dv
    Ipa-confirm mo na lang sa mga Electrical Engr., or Technician... :)
     
    Dongdu likes this.
  10. Hala lagot, yung USB port na lang po pano po yun ulet :)
     

  11. Gusto ko sana tumulong Pero di ko kasi ma gets..

    Yung CPU ba na sinasabi mo is Yung "System Unit"

    If yung sytem unit mo ang sinasabi mo. and yung ODD ang kailangan mo i transfer. ok lang naman siguro as long as supported ng motherboard mo.. kung sakaling PATA/IDE yung ODD/CD-ROM at hindi supported ng motherboard mo.. isa lang pwede mo gawin. Bumili ka ng ADAPTER na IDE-SATA.

    Kung yung 110v to 220v ang prob mo.. sa tingin ko ang sinsavi mo ay yung AVR .. wala naman kaso yun dahil PSU naman ang nagamit ng AVR.. so kahit galing yan sa 110v na system unit papunta sa 220v.. ok lang yan.. ODD/HDD/RAM/Vcard.. as long as supported ng motherboard mo.


    hope it helps .. god bless
     
    Dongdu and Odlanyer22 like this.
  12. Ano nga palang OS ang ii-install mo?
    Ang gamay ko lang eh WinXP.
    Kung Vista, Win7 or Win8 kasi, di ko alam kung pwede i-bypass yung pag-install sa drivers.
    Unless modified OS installer gagamitin mo para rektang ma-iinstall yung drivers.

    Ito yung idea sa pag-install via usb:
    1. Restart mo PC mo.
    2. Habang nagka-calculate pa ng RAM, press del or F2 para ma-access yung BIOS.
    3. Sa Phoenix BIOS kasi nasa pangalawang menu lang yung boot priority.
    Kung iba yun sayo, hanapin mo lang First Boot at Second Boot.
    Sa first boot eh USB/Flash Drive/Removable Media ...
    Sa second boot eh HDD 0
    4. Salpak na ung bootable flash drive then Save and Exit (magre-restart yan).
    5. Kusa ng madedetect yung bootable flash drive dapat nyan.
    6. Follow on screen instruction na lang. *And choose NTFS kapag nag-ask ng format for your OS partition.

    NOTE: Kapag nanghingi ng drivers at wala kang nai-provide pero pwede pa ring i-continue yung setup, ok lang yun. Mai-install yun OS pero pwedeng walang tunog yung PC mo, etc.
    Makikita naman sa device manager yung mga built-in hardware (or yung sinalpak lang) na need ng driver. Merong exclamation mark. Pwede ka naman ng gumamit ng mga driver installer para ma-fix like Driver Solution Pack ata yun, or official driver from website ng manufacturer. :)

    UPDATE: Ayan may nag-confirm na regarding sa volts-volts. :Dv
     
    Last edited: Feb 28, 2015
    Dongdu likes this.
  13. Thanks thanks po ng marame sir :)
     
    Odlanyer22 likes this.
  14. Si
    sige po, ma try po mamaya, thanks po :)
     
  15. Sir, wala po atang saksakan ng Cd rom sa CPU namen, parang kulang po siya
     
  16. Huh? Di ako aware kung may motherboard na wala slot para sa cdrom. Usually, magkatabi lang yung slot ng ide/sata sa motherboard ng para sa hard disk at sa cdrom.
    Try mo i-google image yung model ng motherboard mo, baka makakita ka ng diagram.

    Or baka pang-ide yung pinagkunan mo ng cdrom, tapos pang-sata slot naman pala yang pagkakabitan mo (or vice versa),, dun na papasok yung converter na nabanggit naming nabibili sa mga comp. parts shop. :)
     
    Dongdu likes this.
  17. Ahm, sige po sir salamat po ulet
     
    Odlanyer22 likes this.
  18. sir, paki tingnan po ang supply output ng power supply nyo. kung 220-230 ang output, wag po kayung maglalagay ng 110v. ang mga bagong cpu ngayon, walng nang selector para sa 110 o 220v. kaya po todo ingat. ung japan cpu ay surplus napo dito sa atin yan. ang labas po nyan, disposable kasi branded po ang pyesa nyan. buo nalng po kau ng compatible cpu. barya-barya muna hanggan makabuo kung medyo kapos sa budget.
     
    Dongdu likes this.
Tags / Keywords: