1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Need help about calories intake and calories burn to lose weight

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by pinoypride2014, Aug 1, 2014.

  1. Hi po sa lahat pa help naman po please
    about sa calorie intake and calories burn
    medyo nalilito po kasi ako dito at hindi ko masyado maintindihan

    nagresearch kasi ako about sa weight loss at ayon sa pagreresearch ko
    ang 3500 calories daw ay katumbas ng 1 pound or 1 lb

    sa madaling salita kailangan mo mag burn ng 500 calories sa isang araw
    sa loob ng isang linggo kung gusto mo mag lose ng 1 pound or 1 lb
    sa loob ng isang linggo.

    at kung gusto mo naman mag lose ng 2 pounds or 2 lb
    sa loob ng isang linggo kailangan mo mag burn ng 1000 calories
    araw araw sa loob ng isang linggo para mabawasan ka ng 2 pounds.

    dito naman ako medyo nalilito ganito kasi ang pagkakaintindi ko dito

    for example sa loob ng isang araw
    500 calories lang ang kakainin ko ( calorie intake )
    at magbuburn naman ako ng 1000 calories (calorie burn)
    kung ganyan ang gagawin ko sa isang araw
    makakapag burn ako ng 500 calories sa loob isang araw ( 1000 - 500 = 500 )

    ganyan lang ang gagawin ko araw araw para makapag burn ng 3,500 calories
    at mag lose ng 1 pound sa loob ng isang linggo.

    pero meron ako nabasa sa isang site na ang kailangan daw na calories ng isang tao
    sa loob ng isang araw ay

    1,500 calories para sa lalake
    1,200 calories para sa babae

    According to medical site MedLine Plus, women should be
    eating a minimum of 1,200 calories per day in order to meet their
    body’s minimum nutritional requirements.
    Men should be eating at least 1,500 calories.

    meron din ako nabasa sa mga comments na depende pa yata ito
    sa age gender height at weight mo.

    may nabasa din ako sa isang forum na hindi daw maganda mag lose ng
    malaking weight sa loob lamang ng ilang araw
    Health professionals agree that a healthy weight loss is about 1-2 pounds per week.

    dito na po ako medyo naguguluhan paano ako makakapag burn ng 500 calories
    sa isang araw kung kailangan ng katawan ko ng 1,500 calories sa isang araw?

    ang ibig sabihin po ba nito kailangan kung kumain ng 1,500 calories
    at kailangan kung mag workout at magburn ng 2,000 calories
    para makapag burn ng total na 500 calories sa loob ng isang araw?
    kasi 2000 - 1500 = 500 at kailangan mo yan gawin sa loob ng isang linggo
    kung gusto mo mag lose ng 1 pound per week.

    kung ang gagawin ko naman ay kakain ako ng 1500 calories tapos magbuburn
    lang ako ng 500 calories sa pag workout meron pang matitira na 1000 calories
    kung ganyan ang gagawin ko sa loob lang ng 4 days makaka 4000 calories na ako
    at imbis na mabawasan madadagdagan pa ako ng 1 pounds. kasi 3,500 calories = 1 pound

    kung ganito naman ang gagawin ko kakain lang ako ng 500 calories tapos magbuburn
    ako ng 1000 calories. makakapag burn nga ako ng 500 calories sa loob ng isang araw
    pero hindi naman sa healthy na paraan at malamang hindi ko kakayanin na
    500 calories lang ang kakainin ko sa loob ng isang araw
    tapos nasa 232 pounds pa ang weight ko.

    at hindi daw tama yun ganyan paraan ayon kasi sa pagreresearch ko
    mali daw yun kakain ka lang ng hindi lalagpas ng 1000 calories a day
    dahil ang bawat tao daw ay may kailangan na tamang calories sa katawan
    depende pa ito sa age gender height at weight ng isang tao kung ilan
    ang kailangan na calories ng katawan ng isang tao sa loob ng isang araw ( calorie intake )

    may plano po kasi ako ngayon magpapayat pero sa tama at healthy na paraan
    like healthy diet at tamang pag exercise at gusto ko din sumunod dun
    sa magbawas lang ng 1 or 2 pounds sa loob ng isang linggo

    ito naman po ang tanong ko gusto ko lang po sana malaman kung
    ilan calories ba ang kailangan ko kainin sa loob ng isang araw
    at ilan calories naman ang kailangan kung maburn sa loob ng isang araw
    para makapagburn ako ng 500 calories sa isang araw sa loob ng isang linggo
    para makapag lose ako ng 1 pounds?

    ang gusto ko kasi sana gawin 50 percent sa diet 50 percent sa workout
    ayoko kasi ng puro diet lang hindi daw kasi maganda yun diet lang at walang exercise
    kaya ang plano ko ngayon healthy diet na may kasamang workout
    para makapagbawas ng 1 or 2 pounds sa loob ng isang linggo.

    meron na din po pala ako insanity by shaun t ng beachbody
    workout program sya na gagawin mo araw araw sa loob ng 60 days
    kaya wala na ako problema ngayon sa pag exercise kasi meron na ako
    workout video na gagawin ko araw araw.

    ang gusto ko na lang po sana malaman kung ilan calories po ba ang
    kailangan kung kainin sa loob ng isang araw at paano ako makakapag burn
    ng 500 calories?

    ganito po ba ang ibig sabihin nyan yun 500 calories na yan buburn ko lang
    sa pamamagitan ng pag woworkout or sa pamamagitan lang ng pag diet?
    or yun 250 calories buburn ko sa pag woworkout
    tapos yun 250 calories naman sa diet?
    para makapag burn ako ng 500 calories sa isang araw

    sa mga may alam po jan about sa healthy weight loss
    pa help naman po ako please about dito sa calorie intake and calorie burn
    medyo nalilito po kasi talaga ako jan at hindi ko masyado maintindihan
    kung ilan ba ang kailangan kung calories sa loob ng isang araw
    at paano ako makakapag burn ng 500 calories sa isang araw
    at dapat ba mas madami yun calories na buburn ko sa calorie na kakainin ko?
    for example na lang po kung 1500 calories ang kailangan kung kainin
    sa isang araw kailangan ko magburn ng 2000 calories para makapagburn
    ako ng 500 calories sa isang araw?
    nakakalito po kasi talaga syaka parang ang hirap naman po yata magburn ng 2000 calories
    sa loob lang ng isang araw.

    gusto ko po kasi makapag burn ng 500 calories sa isang araw
    sa loob ng isang linggo para makapag bawas po ako ng 1 pounds
    kaso hindi ko alam kung ilan ang kailangan na calories ng katawan ko
    kaya hindi ko tuloy alam kung ilan ba dapat ang calories na kakainin ko
    sa loob ng isang araw

    ito po pala yun information ko
    Age: 25 years old
    Gender: male
    Height: 5'7 or 5 feet 7 inches
    Weight: 232 lb or 232 pounds

    wait ko na lang po yun mga reply nyo maraming salamat
     
  2. pati ako naguguluhan din TS hehehe.. maya tuloy ko basa di ko pa tapos ei.. ;)
     
  3. salamat medyo nalilito lang po kasi talaga ako kung ilan ba ang dapat na calories na kakainin ko
    at kung ilan naman ang calories na ibuburn ko para makapag burn ng 500 calories sa loob ng isang araw

    meron kasi ako nabasa sa isang site na dapat daw mas mataas yun calories na buburn mo kesa sa calories na kakainin mo
    kaya parang ang pagkakaintindi ko naman about dun ay magbuburn ako 2000 calories then 1500 calories lang ang kakainin ko
    para makapagburn ako ng 500 calories a day pero after that meron naman uli akong nabasa sa ibang site na
    kailangan daw ng isang tao ng sapat na calories para sa katawan parang BMR yata ang tawag dun d ko lang sure?
    so for example kunyari ang BMR ko ay 2,500 calories a day yan ang calories na kailangan ng katawan ko
    so paano ako makaka pag burn ng 500 calories kung kailangan kung kumain ng 2,500 calories diba?

    or ganito ang ibig sabihin nito para makapag burn ako ng 500 calories sa loob ng isang araw?

    ganito ang gagawin ko kunyari 2,500 calories ang kailangan ko kainin sa loob ng isang araw for example ang BMR ko ay 2,500 calories
    then ang gagawin ko babawasan ko sya ng 250 calories at ang kakainin ko lang ay 2,250 calories
    tapos mag workout or exercise ako para mag burn ng 250 calories so ang magiging total ay 500 calories?

    kapag ganyan po ba ang ginawa ko araw araw sa loob ng isang linggo makaka pag lose ako ng 1 pounds?
    kase diba 3,500 calories = 1 pounds at kung magbuburn ako ng 500 calories araw araw sa loob ng isang linggo
    makakapag burn ako ng 3,500 calories sa madaling salita makakapag lose ako ng 1 pounds in 1 week

    kung ganyan naman ang gagawin ko san mapupunta yun 2000 calories na natirang kinain ko dahil parang ganito kasi
    ang dating sakin kunyari 2500 calories ang kailangan ng katawan ko then kumain lang ako ng 2,250 calories tapos nagburn ako ng 250 calories dun sa pag woworkout ko so total nyan 500 calories diba pero ang pinaka total meron pa din natitirang 2,000 calories dun sa kinain ko kaya medyo nalilito po talaga ako kung ano ba sa mga yan ang tamang gawin para makapagburn ako ng 500 calories araw araw sa loob ng isang linggo para makapag burn ako ng 3,500 calories at mag lose ng 1 pounds