What's new

Closed Nakakatawa ito!

Status
Not open for further replies.
Joined
Aug 18, 2014
Posts
52
Reaction
16
Points
75
Age
34
JUAN: Pards, paki translate naman itong sulat galing kay Samantha penpal ko sa US hindi ko maintindihan yung sulat, english kase. Paki translate lang.
ITO OH......My dearest JUAN,
PEDRO: Ikaw yun.
JUAN: Oo ako yun...
How I long for your arms.
PEDRO: Pano daw humaba yung braso mo?
JUAN: Hindi naman mahaba yung braso ko...
PEDRO: 'E hindi ko alam, yun yung tanong nya.
JUAN: Nababasa ko pero di ko alam sa tagalog kasi
The first time I saw your picture, I felt happy.
PEDRO: Nilagare daw nya yung litrato mo nung makita niya at Natutuwa
daw sya nung nilagare nya..
JUAN: Baket naman sige lang ito pa???
You have beautiful eyes.
PEDRO: Pangbabae daw yung mata mo. Ayaw siguro sa
pangbabaeng mata kaya nya nilagare...
JUAN: 'E bat kailangan pang lagariin? Pwede namang
guntingin nalang...tuloy...
I lost your picture last week.
PEDRO: Winala daw nya yung picture..
JUAN: Sana sinoli nalang nya!
But i felt glad when i saw it again.
PEDRO: ayun, Natuwa daw sya nung nilagare nya ulit yung picture.
JUAN: Akala ko ba winala nya?
PEDRO: Oo nga.. hindi ko din alam.
JUAN: langyang yan o..ito pa?
Even though you wrote me in
Filipino, and I didn't understand
your letter, I appreciate the
thought.
PEDRO: Kahit Filipino ka daw at hindi sya marunong magbasa,
natutuwa sya na nag-iisip ka.
JUAN: Hindi sya marunong magbasa? Tingin nya sa mga
Pilipino hindi nag-iisip?
PEDRO: Siguro...
JUAN:sige..
I hope you can send me more
pictures.
PEDRO: Padalahan mo daw sya ng litrato ng sigarilyo
JUAN: Baket???
PEDRO: Ewan ko.. yung "More" daw..... pwede naman ang
champion bakit more pa!
I'm sure you won't mind
PEDRO: Sigurado daw syang hindi ka nag-iisip. May smile pa...
JUAN: Loko pala yan 'e!
PEDRO: Oo nga.
JUAN: Pards, paki sulatan nga... sabihin mo lang na hindi ko na
babasahin ang mga sulat nya, At hindi na din ako magsusulat
sakanya! At paalam na sa kanya!
PEDRO: Sige sige...... eto na tapos na!!!!

Dear Samantha,

I am no read, no write.

byeeeee bye bye
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top