1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia MILFOIL

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    MILFOIL

    KAALAMAN TUNGKOL SA MILFOIL BILANG HALAMANG GAMOT
    Scientific name: Achillea millefolium Linn.; Achillea lanulosa Nutt.
    Common name: Bloodwort, Milfoil, Yarrow (Ingles)

    Ang milfoil ay halaman na may katamtamang taas lamang na may maliliit na dahon at bulaklak na maaaring puti o pula. Karaniwan itong tumutubo sa matataas na lugar gaya ng Benguet, Baguio at Mountain Province. Madalas din itong tinatanim sa mga harding bilang halamang ornamental. Sinasabi ring orihinal itong nagmula sa mga kabundukan ng Himalayas, Hilagang Asya, at Europa.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MILFOIL?
    Ang iba’t ibang bahagi ng milfoil ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Taglay ng halaman ang glucoside achilleine, tannin, bluish volatile oil, aconitic acid, resin, nitrate, inuline, asparagin. Mayroon din itong sesquiterpene lactones at alkamides.
    Ang langis ng halaman ay mayroon ding azulene, borneol at thujone.
    Mayroon pa itong eucalyptol, camphor, alpha-terpineol, beta-pinene.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang dahon ng milfoil ay karaniwang nilalaga upang mainom o kinukuhanan ng langis upang maipampahid sa ilang kondisyon. Ang sariwang dahon na bahagyang dinikdik ay maaari ding ipantapal
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG MILFOIL?
    1. Sipon. Ang pinaglagaan ng dahon ng milfoil ay pinaniniwalaang mabisa para sa sintomas ng sipon.
    2. Hindi pagpapawis. Ang langis ng milfoil ay maaaring ipampahid sa balat na hindi pinagpapawisan. Makatutulong ito na buksan ang mga saradong pores.
    3. Lagnat. Dapat ding ipainom sa pasyenteng may pabalikbalik na lagnat ang pinaglagaan ng halaman.
    4. Almoranas. Ang ointment na yari mula sa halamang ito ay maaaring gamitin para mapabalik sa normal ang almoranas.
    5. Paglalagas ng buhok. Ipinang babanlaw naman sa ulo na may paglalagas ng buhok upang matulungan ang kondisyon.
    6. Sugat. Ang katas mula sa sariwang halaman ay dapat ipampahid sa sugat upang mapabilis ang paggaling.
    7. Rayuma. Ang dinikdik na dahon ng halaman ay maaaring ipantapal sa nananakit na kasukasuan dahil sa rayuma.
    8. Kawalan ng gana sa pagkain. Ang langis mula sa bulaklak ay maaaring ihalo sa pagkain upang matulungang maibalik ang gana sa pagkain.
     
Tags / Keywords: