1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia MGA SINTOMAS NG *phcorner* CANCER

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Dec 2, 2015.

  1. MGA SINTOMAS NG *phcorner* CANCER

    Napakarami pong nagtatanong tungkol sa mga bukol sa suso at kung kanser ito kaya ito po ang susunod nating paksa upang masagot ang mga tanong ninyo. Hayaan ninyo po akong i-share sa inyo ang isang magandang poster na proyekto ng Worldwide *phcorner* Cancer (© Corrine Ellsworth Beaumont) na gumagamit ng mga lemon upang ipakita ang mga sintomas ng *phcorner* cancer. Ito po ay isinalin ko sa wikang Filipino. KUNG MAYROON KAYO NG KAHIT ISA SA MGA ITO, MAGPASURI PO KAYO SA INYONG DOKTOR:

    1) "Thick mass" – Pangangapal ng suso
    2) "Indentation" – Pagkakaroon ng iregular na hugis ng suso dahil sa pagkahatak paloob ng balat at laman
    3) "Skin erosion" – Pagnipis at pagkasugat ng balat na hindi gumagaling
    4) "Redness or heat" – Pamumula or mainit na pakiramdam sa suso na hindi gumagaling
    5) "New fluid" – Paglabas ng likido (kadalasang may bahid ng dugo) mula sa nipple o utong
    6) "Dimpling" – Pagkakaroon ng parang "dimples" o uka-uka sa balat ng suso
    7) "Bump" – Bukol, lalo na iyong lumalaki, matigas, iregular ang hugis, o hindi naigagalaw kapag kinakapa
    8) "Growing vein" – Pagtubo ng bagong ugat sa suso
    9) "Retracted nipple" – Paghatak paloob o pagbaliktad ng nipple
    10) "New shape/size" – Pagbabago sa hugis o sukat ng suso o pagiging kapansin-pansin na hindi pantay ang magkabilang suso kahit sa malayuang tingin (Paalala: Hindi po talaga 100% pantay ang kanan at kaliwang suso kahit sa normal na tao pero ito ay hindi naman dapat kapansin-pansin.)
    11) "Orange peel skin" – Balat na parang balat ng kahel o dalandan
    12) "Invisible lump" – Bukol na nararamdaman pero hindi nakikita na maaaring nasa mas malalim na bahagi ng suso (inihahalintulad sa buto ng lemon ang pakiramdam kapag kinapa)

    *Karagdagan din po ang pagkakaroon ng nakakapang lymph node o kulani sa kilikili lalo na iyong matigas at hindi naigagalaw kapag kinakapa.

    Tandaan: Ang mga impormasyon sa pahinang ito ay hindi naglalayong pumalit sa karampatang personal na konsultasyon sa isang doktor
     
    creedito, queencee and zegen like this.
  2. creedito

    creedito Forum Veteran Established

  3. queencee

    queencee Forum Expert Established

    Ma'am jeanhjeanh thanks for sharing this. Cancer and Tumors are nasty, women needs to know the symptoms/prognosis.
     
Tags / Keywords: