1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Mga sakit ngayong tag-ulan

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Aug 4, 2015.

  1. Tag-ulan na. Kaliwa’t kanan ang pagsulpot ng mga sakit na dapat tapatan ng pag-iingat. Dapat maging malinis hindi lamang sa kapaligiran kung hindi maging sa pangangatawan.

    Ito ang mga karaniwang sakit na maaaring makuha tuwing tag-ulan:

    Influenza – kilala sa tawag na trangkaso o flu, una sa listahan ng mga sakit na maaaring makuha ayon sa Department of Health (DOH). Ubo, sipon, lagnat at pananakit ng lalamunan ang mga sintomas ng sakit na ito, at maaaring mauwi sa pulmonya kung hindi maaagapan.

    Mabilis makahawa ang trangkaso kaya mabuting umiwas muna sa mga tao. [​IMG]

    Leptospirosis – isang infectious bacterial disease sa daga, aso, pusa at ibang mammals na posibleng maipasa sa tao at maaaring ikamatay. Ang bacteria sa mga hayop ay makaka-infect (contamination) sa lupa, crops, o tubig kapag sila ay umihi dahil ang bacteria ay nasa ihi. Ang bacteria ay naipapasa sa tao kung mayroon silang bukas na sugat o sa mucus membranes o kung nahalo ito sa pagkain.

    Ang sakit ay malimit na nakukuha sa paglusong sa baha. Ang mga sintomas ng sakit ay paninilaw ng mata, maitim na ihi, lagnat, pagsusuka at pananakit ng kalamnan partikular sa bahagi ng binti.

    Dengue – ang biglang pagtaas ng lagnat, pananakit ng tiyan at kasukasuan, pagkakaroon ng mapupulang rashes, pagdugo ng ilong at gilagid ang mga sintomas ng dengue. Nakukuha ito sa kagat ng lamok at nakakamatay kapag napabayaan.

    Cholera – isa rin sa mga nakamamatay na sakit. Ang pagkakaroon ng matubig na dumi, pagsusuka, dehydration at muscle cramps ang sintomas na may cholera ang isang tao. Sanhi ito ng bacteria o nasa kontaminadong inumin at pagkain.

    Hepatitis – kadalasang nakukuha kapag nagkaroon ng direct contact sa pasyenteng may ganitong sakit at nagmumula ito sa mga langaw. Mataas na lagnat, pagsakit ng ulo at kasukasuan, at pagsusuka ang mga sintomas ng pagkakaroon ng hepatitis.

    Typhoid fever – nakakahawa ito at kalimitang nakukuha sa kontaminadong inumin o pagkain na puwedeng ikamatay. Kung may matagal nang lagnat at matinding sakit sa tiyan at ulo, sintomas na ito ng typhoid.

    Malaria – tulad ng dengue, kagat rin ng lamok gaya ng anopheles mosquito ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng ganitong sakit. Makakaranas ng lagnat, panginginig, pananakit ng mga muscle at panghihina ang pasyente na may malaria.

    Diarrhea – o pagtatae, kalimitang nakukuha sa kontaminadong inumin o pagkain. Dehydration ang bunga ng pagtatae lalo pa't may kasamang pagsusuka.

    Athlete's foot – sakit ito sa balat ng paa sanhi ng fungal infection. Kumakalat ito sa mga mabasa-basang lugar tulad ng mga paliguan o shöwër rooms. Kailangang panatilihing malinis at tuyo ang mga paa lalo na sa bandang mga daliri nito.

    Dry skin – kadalasang natutuyo ang balat tuwing tag-ulan dahil sa lamig kaya dapat itong i-moisturize.

    Ilan sa mga sakit na nabanggit ay dala ng kontaminasyon sa tubig. Payo ng eksperto, ang pagpapakulo ng tubig o pagdi- disinfect nito ay mahalaga upang ligtas sa iinuming tubig.

    Huwag balewalain kung may sintomas ng alimang sakit na nabanggit at agad na ipasuri ito sa doktor.