1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Mga gabay sa pangangalaga ng sarili

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Psybot Sword, Oct 18, 2016.

  1. Mga Gabay sa Pangangalaga ng Sarili
    1. Maligo araw-araw. Nakagagaan at nakagiginhawa ng pakiramdam ito sa simula ng iyong araw at nakakaiwas pa sa pagkakaroon ng di kanais-nais na amoy.

    2. Alagaan ang buhok. Magsiyampo tatlong beses o mahigit sa isang linggo.

    3. Suklayin ang buhok. Gumamit ng brush para kumintab ito at matanggal ang mga dumi sa anit.

    4. Sipilyuhin ang ngipin lalo matapos kumain. Ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin ay nakadaragdag sa kagandahan ng mukha. Para masigurong walang sira ang mga ngipin, bumisita sa dentista dalawang beses o mahigit sa isang taon.

    5. Kumain nang sapat sa tamang oras. Ang pagkaing masustansiya ay kailangan ng katawan para manatiling malusog.

    6. Mag-ehersisyo araw-araw. Ito ay tumutulong sa mabilis na pagtunaw ng pagkain, pagbabawas ng dumi, maayos na sirkulasyon at matibay na kalamnan.

    7. Matulog sa tamang oras. Iwasang magpuyat para maging masigla ang katawan at pag-iisip at mapanatili ang makinis na balat.

    8. Uminom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw. Ang katawan ay nangangailangan ng tubig para lumabas ang mga dumi sa loob ng katawan.

    9. Putulan at linisin ang mga kuko sa kamay at paa.

    10. Magbawas ng dumi araw-araw.

    11. Maghugas ng kamay bago at matapos kumain at tuwing manggagaling sa palikuran.

    12. Hugasan ang mga paa araw-araw bago matulog. Kung ito’y pawisin at nangangamog, ibabad sa maligamgam na tubig na may asin.

    13. Maghilamos ng mukha pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Dalasan ang paglilinis ng mukha kung malangis ang balat para maiwasan ang pagkakaroon taghiyawat.

    14. Gumamit ng deodorant para hindi magkaroon ng di kanais-nais na amoy sa kilikili at bunutin ang mga balahibo nito lalo na sa mga kababaihan na pwedeng maging sanhi ng anghit.

    :D
     
    Matchete12 likes this.
  2. parang nabasa ko toh sa libro nung kapatid kong nasa elem... hahaha
     
Tags / Keywords: