1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia MGA CYST SA OBARYO

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Dec 2, 2015.

  1. MGA CYST SA OBARYO

    “Ito po ba ay kanser?”
    KADALASAN AY HINDI.
    (*Depende sa uri ng cyst)

    “Ito po ba ay magiging kanser?”
    KADALASAN AY HINDI.
    (*Depende sa uri ng cyst)

    Sa bawat regla, nabubuo sa obaryo ang isang maliit na egg sac o supot para sa egg cell (itlog). Kung na-release ang itlog at hindi nagkaroon ng pagbubuntis, kadalasang natutunaw ang supot na ito. Pero kung minsan, maaaring mapuno ng tubig ang supot at kapag lumaki ito ay maaaring maging masakit na bukol (cyst). Kadalasan ay pumuputok o lumiliit nang kusa ang bukol na may kasamang unti-unting pagkawala rin ng sakit sa susunod na 1-3 araw. Pero kung hindi lumiit o pumutok ang bukol, maaari itong magdulot ng tuluy-tuloy na pananakit.

    Ano ang dapat gawin?

    Kung may pananakit ng puson o balakang, magpatingin sa inyong doktor (OB/GYN) upang makapagsagawa ng history, physical examination at mga laboratory test na kinakailangan tulad ng ultrasound. Kung kayo ay mapag-alamang may cyst, ang OB/GYN po ninyo ang magrerekomenda kung maaaring obserbahan lamang ito o kung kailangang operahan depende sa sukat, itsura sa ultrasound at mga sintomas nito. Huwag kalimutang mag-follow-up ayon sa bilin ng inyong doktor upang mabantayan ang inyong cyst.

    Sa aktwal na konsultasyon sa inyong doktor lang po maaaring ma-diagnose ang kanser sa obaryo.

    P.S. Ako po ay cancer doctor at hindi OB/GYN. Maraming salamat po.

    Tandaan: Ang mga impormasyon sa pahinang ito ay hindi naglalayong pumalit sa karampatang personal na konsultasyon sa isang doktor.


    Please or Register to view links
     
    demonic098 and copro14 like this.
  2. thanks sa impormasyon, mas mabuting ng agapan kaysa gamutin (y)
     
Tags / Keywords: