1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Mayweather nag-sorry kay Rousey

Discussion in 'Sports' started by aregee, Aug 27, 2015.

  1. Nag-sorry si boxing superstar Floyd Mayweather kay mixed martial arts star Ronda Rousey nitong Huwebes, pero tinawanan ang suhestiyon na maglaban sila sa ring.

    “Are you a comedian? You a comedian?” sambit ni Mayweather sa tanong kung lalabanan ba niya si Rousey.

    Sabay-dugtong na: “I am in the one hundred million dollar business, not the one hundred thousand dollar business”.

    Ginawa ni Mayweather ang pagso-sorry kay Rousey sa news conference sa Los Angeles. Ito ay may kinalaman sa komento niya noong nakaraang taon habang nasa isang downtown hotel kung saan napagkamalan niyang lalaki ang MMA superstar.

    Ayon kay Mayweather, wala pa siyang naririnig tungkol kay Rousey nang itanong ito sa kanya noong Hulyo 2014 sa Biltmore Hotel.

    “They asked me about Ronda and I thought it was a guy. I didn’t know it was a female. I apologize. I wish her all the best,” lahad ni Mayweather.

    Hinamon ni Rousey si Mayweather bunga ng ‘domestic violence history’ nito, matapos niyang talunin sa ESPY award bilang ‘best fighter’.

    “I wonder how Floyd feels being beat by a woman for once,” wika ni Rousey matapos tanggapin ang award.

    Si Mayweather (48-0) ay sasabak sa Setyembre 21 laban kay Andre Berto sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, sa sagupaang sinasabing farewell fight na nito.

    Idinepensa rin ni Mayweather kung bakit si Berto ang kanyang piniling makalaban sa halip na si Amir Khan.

    “How many championships has Khan win, two. Berto has won two also,” aniya.

    Wala ring naganap na trash talk sa presscon na iyon ni Mayweather at Berto (30-3, 23 KO).
     
  2. [​IMG] thanks for sharing [​IMG]
     
Tags / Keywords: