1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia MAYANA

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang MAYANA ay isang maliit lamang na halaman na karaniwang nakikitang tanim sa mga paso at bakuran. Pinakakilala ang halamang ito sa katangian ng mga dahon nito na may kakaibang kulay: berde sa paligid ng dahon, at lila sa gitnang bahagi. Ang bulaklak ay kulay lila at tumutubo nang nakakumpol. Ang ibang uri ng halamang mayana ay maaaring napapalibutan ng balahibo. Orihinal itong nagmula sa Java.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MAYANA?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang mayana ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang mga dahon ay makukuhanan ng alkaloids, saponin, flavonoids, tannin, volatile oil, at quercetin
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang dahon ng mayana ay karaniwang dinidikdik at ipinangtatapal sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari din itong ilaga upang mainom o ipampatak sa mata. Minsan ay itinatapat sa apoy ang dahon bago ipantapal sa balat.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MAYANA?
    1. Pananakit ng ulo. Maaaring makatulong sa pananakit ng ulo ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng mayana sa sentido, noo at batok.
    2. Dyspepsia. Para naman sa kondisyon ng dyspepsia o hirap sa pagtunaw ng pagkain, maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon ng mayana.
    3. Sore eyes. Ang iritasyon sa mata dulot ng sore eyes ay maaari namang magamot sa pagpapatak ng pinaglagaan ng dahon ng mayana sa apektadong mata.
    4. Pilay. Ang pilay na nakuha mula sa naipit na ugat (sprain) ay matutulungan din ng paglalagay ng dinikdik na dahon ng mayana sa bahagi ng katawan na apektado. Maaari itong lagyan ng benda upang manatiling balot sa dahon ng mayana.
    5. Kabag. Makakatulong naman para maiwasan ang kabag sa tiyan ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng mayana.
    6. Sugat. Upang matulungan naman na mapadali ang paghilom ng sugat, maaaring patakan ng katas ng dahon ang nagdurugong sugat, at saka tapalan ng dinikdik na dahon ang mismong sugat.
    7. Sinusitis. Ang kondisyon naman ng sinusitis ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng pagtatapal ng mga dahon na pinadaanan sa apoy. Ang mga dahon ay inilalagay sa noo at pisngi.
    8. Pagtatae o dysinteria. Dapat inumin ang pinaglagaan ng dahon ng mayana upang maibsan ang kondisyon ng pagtatae.


     
Tags / Keywords: