1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia makabuhay

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang makabuhay ay isang gumagapang na halaman na maaaring may taas na 4 hanggang 10 metro. Ang mga sanga ay kilala sa pagkakaroon ng umbok-umbok, at may dahon ito na hugis puso. May bulaklak din ito na kulay berde at ang mga bunga ay tumutubo nang kumpol-kumpol. Karaniwan naman itong nakikitang tumutubo sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan ng Pilipinas.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MAKABUHAY?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang makabuhay ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    May taglay na colombine, kaunting alkaloid at glucoside ang halaman ng makabuhay.
    Mayroon ding picroretine at bakas ng berberine sa halaman lalo na sa dahon.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Kadalasang inilalaga ang mga dahon upang mainom sa panggagamot.
    Sanga. Ang sanga naman ay madalas na inilalaga din upang mainom o kaya ay dinidikdik upang makuha ang katas. Maaari din itong haluan ng langis ng niyog.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MAKABUHAY?
    1. Lagnat. Ang pag-inom pinaglagaan ng mga dahon at mga sanga ng makabuhay ay makatutulong na pababain ang mataas na lagnat.
    2. Galis. Dinidikdik naman ang sariwang sanga ng makabuhay ay inilalagay ang katas sa mga sugat na dulot ng mga galis sa balat.
    3. Malaria. Sintomas ng sakit na malaria ang pabalikbalik na mataas na lagnat. Ang kondisyong ito ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng mga sanga at dahon ng makabuhay.
    4. Sugat. Ang malalalang sugat na mahirap maghilom ay maaari namang matulungan ng paghuhugas gamit ang pinaglagaan ng mga sanga. Maaari din gamitin na pampahid ang langis na pinagbabaran ng mga dinikdik na sanga ng makabuhay.
    5. Rayuma. Mabisa din ang langis ng niyog na pinagbabaran ng dinikdik na sanga ng makabuhay. Ipinapahid lamang ito sa mga apektadong bahagi ng katawan.
    6. Ulcer sa sikmura. Ang pagsusugat naman ng mga gilid ng sikmura ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng pag-inom sa tubig na pinagbabaran ng dinikdik na mga sanga ng makabuhay.
    7. Kabag. Para naman sa pananakit ng sikmura dahil sa kabag, pinapahiran ng langis na pinagbabaran ng dinikdik na sanga ng makabuhay ang sikmura.
    8. Alipunga. Maaari ding gamitin ang langis na pinagbabaran ng makabuhay para sa kondisyon ng alipunga sa paa.
     
Tags / Keywords: