1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia MAHILIG KA BA SA SILI?

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Feb 16, 2016.

  1. MAHILIG KA BA SA SILI?

    Ang SILI ay mayroong vitamin C level na aabot sa PITONG beses ang taas kaysa kayang ibigay ng isang ordinaryong orange fruit. Isa rin siyang natural at napakagandang source ng vitamin A at E, beta-carotene, folic acid at potassium.

    Tanong: ANG SILI BA ANG NAKAPAGDUDULOT NG ULCER?

    Sagot: May pag-aaral noong 2006 tungkol sa "Current Pharmaceutical Design" na nagsasabi na ang sili ay may 'capsaicin' na nakakatulong panlaban sa gastritis at ulcer. Ang cause ng stomach ulcer ay ang bakteriang 'Helicobacter pylori' na nakukuha sa kontaminadong tubig o pagkain. Ito ay pwedeng mabuhay sa stomach acid. Ang gawain ng sili ay protektahan ang ating bituka upang hindi tayo magkaroon ng stomach ulcer. Pero kung ang isang tao ay mayroon ng Helicobacter pylori sa tiyan, hindi na ito kayang patayin ng capsaicin.

    Bukod doon, may isang pag-aaral sa Singapore na napatunayang ang pagkain ng sili ay nakakababa ng risk nang pagkakaroon ng peptic ulcer by 53%.

    Maanghang at mainit sa pakiramdam ang pagkain ng sili pero walang ebidensiya na ito ay nakapagdudulot ng ulcer o sugat sa gastrointestinal tract.

    **Pwedeng makairita ang maanghang na pagkain sa may ulcer pero hindi ito nakakapagdulot ng ulcer.

    Tanong: ANG SILI BA AY NAKAPAGDUDULOT NG ALMORANAS?

    Sagot:

    Nakukuha ang almuranas kapag constipated o nagpipigil sa pagdumi. Pwede ring dahil sa pagbubuntis o iba pang sakit. Nagkakaroon ng pressure sa hemorrhoidal veins kaya ito namamaga.

    Ang capsaicin na matatagpuan sa sili o anupamang spicy food ay isang makapangyarhinang panlaban sa inflammation o pamamaga.

    Ang sili ay maraming benepisyo pero ang SOBRANG pagkain nito, lalo na ang buto nito ay maaaring makairita sa colon at pwetang bahagi. Ang pagkairitang ito ay maaring magTRIGGER ng palagiang pakiramdam na kailangan mong dumumi.

    Kung mayroon ka nang almoranas, ito ay hindi advisable kainin hangga't hindi ka gumagaling. Ito ay dahil ang SOBRANG pagkain ng spicy food ay maaring makapagdulot ng diarrhea na lalong magpapasakit sa iyong almoranas.

    Tanong: PAANO ITO NAKAKAPAYAT?

    Sagot: Ayon sa mga scientists, ang sili o anumang maaanghang na pagkain ay nakatutulong sa mga nagdi-diet dahil itinataas nito ang level ng metabolism ng katawan na nagiging dahilan ng pagtunaw ng taba.

    Tanong: PALAGI AKO KUMAKAIN NG SILI PERO HINDI NAMAN AKO PUMAPAYAT

    Sagot: Walang patutunguhan ang pagkain ng sili kung ang lifestyle mo naman ay hindi healthy. Example, wala kang ehersisyo, unhealthy ang kinakain mo, etc. Marami pa ring factor ang kailangang bigyan ng pansin. Ang sili ay ISA lamang sa factor na nakatutulong sa pagtunaw ng taba pero hindi ito ang nag-iisang solusyon para mabawasan ang iyong timbang.
     
  2. thanks for sharing ms. jeahn
     
  3. mahilig talaga ako sa sili, minsan kinakain ko yung isang buong sili:LOL:
     
  4. hahaha..di ko kaya yun..kaen muna ko
     
    zegen likes this.
  5. sa mga mahilig ba ito:eek::hilarious::hilarious:
     
  6. oo sir tembong :LOL: sa sili
     
  7. reygun1977

    reygun1977 Journeyman Established

    Galing talaga ni IDOL ko,dati na bwesit ako sa Mrs ko kasi nilagyan ng sili ang Tinolang manok namin,hahahah,dapat pla di ako nag alburuto kasi di naman pala BAD ang SILI,Thanks talaga TS eye opener to para sa akin na takot sa SILI !
     
  8. pero lahat ng sobra at kulang ay nakakasama bossing (y)
     
    reygun1977 likes this.
  9. redhunter

    redhunter Addict Established

  10. kain ako sili labuyo at siling haba para lalong ganahan at mahilig sa pam pam {:nurse:hanghang}:nurse: highblood naman aabutin nito:link:
     
  11. nako shembong..matitigok ka pag ganyan
     
  12. lamaran11

    lamaran11 Addict Established

    mahilig din ako sa sili..
     
  13. ayon naman pala, sili-mat sa trivia idol.. :D
     
  14. queencee

    queencee Forum Expert Established

    This is very good info.
     
  15. thank you sistah queen
     
Tags / Keywords: