1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia luyang dilaw

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang luyang dilaw ay may itsura na kahalintulad ng pangkaraniwang luya ngunit nagiiba sa kulay ng laman. Ang loob na bahagi ng luyang dilaw ay madilaw o kulay kahel. Ito ay maliit lamang na halaman at may patulis na mga dahon. May bulaklak din na bahagyang madilaw o maputi. Karaniwan din itong pananim sa mga taniman sa buong kapuluan ng Pilipinas, ngunit orihinal na nagmula sa bansang India.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA LUYANG DILAW?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang luyang dilaw ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang ugat ay mayroong curcumin (ang nagbibigay ng madilaw na kulay sa ugat) at may langis din na tumerone, atlantone, at zingiberone.
    Mayroon din itong tumerol, d-alpha phellandrene, carvone, camphor, curcumone, fat, starch, resin.
    Mayroon pa itong mineral na phosphorus at iron, at kaunting calcium.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Ugat. Ang ugat na madilaw ang kalimitang ginagamit sa buong halaman. Ito’y maaaring pakuluan at inumin na parang tsaa, ihalo sa langis at inumin, o kaya ay katasan. Maaari ding ipampahid sa bahagi ng katawan ang hiniwa na luyang dilaw. Ito rin ay pinatutuyo at pinupulbos upang maihalo sa ilang mga lutuin at pagkain.
    Bulaklak. Maaari ding dikdikin ang bulaklak hanggang sa maging pino at magamit na pampahid sa balat.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LUYANG DILAW?
    1. Lagnat. Pinapainom ng salabat ng luyang dilaw ang taong may mataas na lagnat upang mapabuti ang pakiramdam.
    2. Pananakit ng sikmura (abdominal spasm). Mabisa din ang pag-inom sa salabat ng luyang dilaw upang maibsan ang kondisyon ng pananakit ng kalamnan sa sikmura. Maaari ding kainin ang tinadtad na luyang dilaw na hinalo sa langis ng niyog upang mapabuti ang pakiramdam.
    3. Bulate sa tiyan. Mabisa din na pangpurga sa mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa katas ng luyang dilaw.
    4. Sugat. Ginagamit din na panglinis sa mga sugat sa pamamagitan ng pagpapahid ng hiniwang luyang dilaw sa apektadong bahagi ng katawan.
    5. Kagat ng insekto. Pinapahiran din hiniwang luyang dilaw ang kagat ng insekto.
    6. Bulutong. Matutulungang mapabilis ang paghilom ng mga mga sugat na dulot ng bulutong sa pamamagitan ng pagpapahid ng pinulbos na luyang dilaw sa mga apektadong bahagi ng katawan.
    7. Buni. Ang dinikdik na bulaklak ng luyang dilaw ay mabisa naman para sa buni sa balat. Pinapahid lamang ito sa apektadong lugar.
    8. Pagtatae. Maari namang kainin ang luyang dilaw para maibsan ang kondisyon ng pagtatae.
     
Tags / Keywords: