1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Litanya sa banal

Discussion in 'Quotes & Poems' started by pclogger, Feb 12, 2015.

  1. Litanya sa Banal

    O birheng Santa Ines
    Kanina’y may ginahasang buntis
    Ngunit di matukoy ang salarin
    Anak kasi ng pulis :nailbiting:

    O mahal na patron ng San Isidro
    Buwan-Buwan na lamang sa aming baryo,
    May sanggol na nakukuha
    Sa loob ng pampublikong inodoro.:wideyed:

    O mapaghimalang San Luis
    Ipinagbili ng isang misis
    Tig-isa ng kanyang kidney at matris
    May pang-ulam lang kahit na bulok na kamatis.:notworthy:

    O banal na anghel na san Gabriel
    May isang batang nahilig maglaro ng baril
    Nasa lahi na marahil ang pagiging suwail
    Nang mag-asawa’y namamalo ng barbell :blackeye:

    O mapalad na SaN Mateo
    May isang albularyo na mahilig sa kabayo
    At lahat ng kanyang dalagang hinihilot sa baryo
    Naglilihi ng balut at nahihilig sa siling labuyo :whistle:

    O kaibig-ibig na patron San Roque
    Sa simbahan tuwing gabi
    May madalas tumili
    Ang pari raw kasi nagiging paniki :playful:

    O mahal na ebanghelistang San Juan
    May matandang sa damuhan napadaan
    At di nakita ang babalang bawal tapakan,
    Hayun, pinagbabaril ng hukbong sandatahan :cry:

    O unang santong martir San Esteban
    Rebelde at military ay walang puknat ang labanan
    ‘di matukoy ang kanilang pinag-aawayan
    Kahit na ilang ulit ring nag-sanduguan. :yawn:

    O patron naming San Vicente
    May isang dating tenyente
    Na ipanaligpit kasabwat niyang mga pugante,
    Ngayun, nag aambisyong maging president :hilarious:

    Ikaw ,kanino ka mananlangin?
     
  2. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established