1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia LINGA

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang LINGA na karaniwang nakikita bilang maliliit na buto na pangsangkap sa ilang lutuin ay nagmumula sa isang maliit na halaman na karaniwang tumutubo sa mabababang lugar sa buong kapuluan ng Pilipinas. Ang buong halaman ay mabalahibo at namumulaklak rin na kulay lila.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA LINGA (SESAME)?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang linga ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang buto ay may taglay na langis, saccharose, pentosan, lecithin, choline, phytine, globuline, at sesamin
    Ang langis ay binubuo ng olein, linolein, palmitin, at stearin; at ang fatty acid ay binubuo ng oleic, linoleic, linolenic, palmitic, palmitoleic, stearic, eicosenoic
    Ang bulakalak ay mayroon namang apigenin, ladanetin, ladanetin-6-O-beta-D-glucoside, apigenin-7-O-glucuronic acid, pedalitin, at pedalitin-6-O-glucoside.
    Ang mga dahon ay mayroong phenolic acids, at ang buong halaman ay may phenylethanoid glycosides
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Buto. Ang mga buto ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit sa panggagamot sa ilang mga kondisyon sa katawan. Ito ay karaniwang kinukuhanan ng langis, sa pamamagitan ng pagtutusta dito.
    Dahon. Maaaring ipantapal ang dahon ng linga sa ilang kondisyon ng katawan na kadalasan ay pinapahiran din ng langis ng linga.
    Ugat. Ginagamit naman ang ugat bilang pampahid sa ilang kondisyon sa katawan. Ito’y dinidikdik at kinakatasan lamang.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LINGA (SESAME)?
    1. Hirap sa pagdumi. Pinapakain ng tinustang linga ang tang hirap makadumi. Maaari itong ihalo sa pulot (honey) o sa iba pang kinakain. Maaari ding ilaga ang mga buto ng linga at ipainom sa taong hirap makadumi.
    2. Rayuma. Ang langis na makukuha mula sa mga buto ay maaaring gamitin sa pagmamasahe sa bahagi ng katawan na nakararanas ng pananakit dahil sa rayuma.
    3. Paso. Ang dinikdik na buto ng linga ay maaaring ipantapal sa balat na napaso. Maari ding ipantapal sa paso ang dahon na pinahiran ng langis ng linga.
    4. Ubo. Ang pinaglagaan naman ng mga buto ay mabisa rin para sa ubo.
    5. Paglalagas ng buhok. Pinapahid ang pinagkatasan ng ugat at dahon sa nakakalbong ulo upang mapigilan ang patuloy na paglalagas ng buhok at mapatubong muli ang mga buhok.
    6. Nagnanana na sugat. Ang malalang sugat na naimpeksyon ay mayroon nang nana ay maaaring matulungan ng pagpapahid ng langis ng linga.
    7. Iregular na regla. Ang buwanang dalaw na iregular ay maaari namang matulungan ng pagkain sa maputing buto ng linga.
    8. Pagdurudo sa tumbong (hemorrhoids). Ang pamamaga at pagdurugo ng tumbong o rectum ay nilalagyan ng sinunog na tangkay ng halaman ng linga upang maibsan ang pakiramdam.
     
Tags / Keywords: