1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Liham ni Jose Rizal Para Sa Mga Kabataan

Discussion in 'Stories, Fiction & Essays' started by Whitefang, Jan 28, 2014.

  1. Whitefang

    Whitefang Enthusiast Established

    12:01 AM

    December 30, 2013


    Minamahal kong kabataan,


    Una, huwag mong gawin 'to:

    "Mahal na mahal ko ang mga haters ko. I love you, haters! :* #HappyRizalDay"

    Hindi ako masaya sa kap*tang*nahang ito. At, oo. Nagmura nga ako. (Noong namatay si Bonifacio, ano sa tingin mo ang mga huli niyang salita? "Para sa inang bayan!" o "P*tang*na!"?)

    Alam kong sa araw na ito'y magiging peymus na naman ang pangalan ko sa buong Pilipinas - dahil sa nagpabaril ako sa likod para sa kalayaan ng minamahal kong inang bayan. At ito mismo ang dahilan ng pagsulat ko sa 'yo na minsa'y binigyan ko ng responsibilidad bilang "pag-asa ng bayan". Naiisip mo pa ba 'to o busy ka sa kakaipit sa dibdib mo para magmukhang cleavage at i-post ang malanding selfie mong 'yan sa Facebook para makahakot ka ng isang bilyong likes, 766 new friend requests mula sa mga gangstang manyakis, at ang deduksyon ng respeto ng mga tao sa 'yo? May kahulugan pa ba ang pagpapabaril ko sa likod? O nagpapasalamat ka na rin at may itinayong rebulto ko sa Bagumbayan para magsilbing venue ng kalandian mo sa gabi?


    Hindi ako nagpabaril sa likod para makita kang nakikipag-agawan sa isang lalaking jejemon na naka-varsity jacket mula sa pinsan mong dose anyos pa lang ay naka-labingtatlong boyfriend na. Masaya kong tinanggap ang mga balang iyon dahil alam kong ang pagkitil sa buhay ko'y makakapukaw sa inyo't maging instrumento ito sa tuwid na daan na una nang pinangako ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas ngunit napaka-obvious na paliko-liko ang tinatahak niyo ngayon.

    Hindi ako nagpabaril sa likod para punuin mo ang newsfeed ko ng mukha mong nakanguso ang bibig na may caption na "God is love. #hatersgonnahate #iloveyouhaters". At, oo. May Facebook account ako. Private nga lang.

    Hindi ako nagpabaril sa likod para murahin mo ang iyong mga magulang dahil hindi ka pinayagang makadalo sa concert ng Chicser. Ni minsa'y hindi ko minura ang mga magulang ko kahit na ayaw nila kay Josephine.

    Hindi ako nagpabaril sa likod para nakawan mo ang ama mo at iwaldas ang pera kasama ang mga plastic mong kaibigan sa Starbucks at punuin mo ulit ang newsfeed ko ng mga imahe mo kasama ang isang baso ng malamig na kape na may caption na "Just Chillin' #friends #delicious #RichKid". Punyetang nagtiis ang ama mo sa pagod at winaldas mo lang kapalit ang 376 Likes sa Facebook at karagdagang tatlong followers sa Instagram.

    Hindi ako nagpabaril sa likod para malamang ang mga maliliit at napaka-cute na mga mag-aaral sa elementarya ay tinira na nang hindi pa nare-regla. At bakit ang O.A. ng mga batang ito at may post pang "Distance means so little when someone means so much" sa Facebook dahil nasa kabilang classroom ang boyfriend niyang naglalaro ng holen?

    Galit ako. Hindi ako masaya. Maririnig ko na naman ulit ang mga walang kakupalang papuri sa'kin sa mga seremonya ngayong araw na 'to na sinasaad ang kadakilaang ginawa ko para sa bayan at patuloy pa rin sa pamamasura ang mga kabataang tunay na pag-asa ng bayan. May mga handaan pa kayo pagkatapos.

    Dahil sa binaril ako sa araw na ito'y mamimigay ng dalawampung lechon ang congressman sa mga supporters niya at patuloy pa rin sa pamamasura ang mga kabataang tunay na pag-asa ng bayan.

    Dahil sa binaril ako sa araw na ito'y mag-aalay ng mga tula't kanta ang mga kabataan. Pagkatapos ay kukunan nila ng selfie ang sarili nila kasama ang rebulto ko na may caption na "#HappyRizalDay Ang haggard ko na dito! Nabura na ang make-up!".

    IKAW, kabataan, ang binigyan ko ng responsibilidad na maging pag-asa ng bayan dahil nasa sa 'yo ang napakaraming potensyal sa hinaharap. Pakiusap, 'wag mong hayaang tuluyang maglaho ang potensyal mong ito dahil mas nanaisin mo pang magkaroon ng isang bilyong followers sa Twitter. IKAW ang pinili ko dahil hindi ka pa natatarantado ng pulitika at pagkagahaman sa pera at kapangyarihan. IKAW ang pinili ko dahil punong-puno na ako sa mga matatandang senador na mas marami pang bangayan ang nagagawa kaysa sa mga batas at mga proyektong pangkaunlaran. IKAW ang pinili ko dahil naniniwala akong bibigyan mo ng hustisya ang pagpapabaril ko sa likod.

    Utang na loob, p*tang*nang umalis ka na d'yan sa monitor mo at ipagpatuloy ang mga nasimulan ko na. Mas madaling gumawa ng mabuti kaysa tanggapin ang mga bala ng katarantaduhan.

    Just Chillin',

    Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (Pero mas bet ko ang JP)