What's new

Closed Kuleksyon ng mga nakakatawang biro (ikalawangbahagi)

Status
Not open for further replies.

CreepyTricks

Forum Guru
Joined
Aug 13, 2016
Posts
3,494
Reaction
3,692
Points
1,268
Doktora at Pasyente Joke
Pasyente: Magkano ang facelift?
Doktora : Complete treatment ay P145,000.
Pasyente: Mahal!!! Ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong bata?
Doktora : Heto tsupon, P20 lang!!
Erap Joke
Jinggoy: Dad! Mangaganak na asawa ko!
Erap : Huh?? Oh, sige tumawag ka ng ambulansya! Dadalhin natin siya sa Jollibee!
Jinggoy: Bakit Jollibee??
Erap : May free delivery dun!
Doktor at Pasyente Joke
Doc: Hijo, bakit mo sinapak yung katabi mo kanina?
Pasyente: Doc, ninenerbyos po ako sa resulta ng HIV test ko, tapos sasabihan pa niya ako ng “think positive pare”.
Empleado at Boss Joke
Employee : Boss pwede ba ako nalang ang papalit don sa pwesto ng manager natin na kamamatay lang?
Boss : Ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.
Dentista at Pasyente Joke
Pasyente: Doc takot ako sa bunot eh!
Dentista : Heto gamot pampalakas ng loob.
Pasyente: (uminom ng gamot)
Dentista : Matapang ka na ba?
Pasyente: Oo doc, ‘pag may gumalaw sa ngipin ko gugulpihin ko!
Stewardess at Pasahero Joke
Sa eroplano..
Stewardess: Sa mga pasahero, naka-experience po tayo ng engine failure at konting turbulence. Maaari po tayong mag-crash…
Sa mga mayayaman, ang lifevest po ay nasa ilalim ng inyong upuan..
Sa mga mahihirap, sabayan nyo po ako…
Aba ginoong maria, napupuno ka ng grasya.
Estudyante at Guro Joke
Guro : Ano ang pambansang ibon?
Boy: Chicken?
Guro : Hindi! Kulay brown ito!
Boy: Fried chicken!
Guro : Hindi! Mas maliit ito sa chicken.
Boy: Knorr chicken cubes!
Guro : Get out!
Amo at Inday Joke
Amo : Inday, ilipat ang comforter sa kwarto.
Inday: San ko ilagay kuya?
Amo : Ipatong mo lang sa kama
Maya-maya… .
Inday: Andun na po. Sinama ko na rin ang frenter at iskaner.
Pulis at Driver Joke
Pulis : Lisensya mo.
Driver : Eto po (may nakaipit na P 100).
Pulis : Ah, hindi na ako tumatanggap ng suhol, relihiyoso na ako.
Driver : Kung ganun po, tiketan niyo na lang po ako.
Pulis : Eto ang sobre at ballpen, isulat mo… LOVE OFFERING!
Nobyo at Nobya Joke
GF : Bhe, ano ung horoscope mo?
BF: Ano ‘yong horoscope?
GF : Halimbawa ‘yong sa akin Cancer.
BF: Ah, ‘yong sa akin almuranas.

.
Like nalang dadagdagan ko pa ito (y) :D :D

A atend muna ako sa star magic ball namin!..
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top