1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Kitchen tips: Meat, veggies, atbp.

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Mar 21, 2016.

  1. Marami ang hirap sa trabahong kusina – problemado sa pagbalat ng sibuyas, pagluluto at iba.

    Para mapadali ang kitchen work, ito ang ilang tips:

    - Para mabawasan ang taba ng 10 gram per serving, tanggalin ang balat ng manok bago ito i-marinate. Malakas sa kolesterol ang taba ng manok.

    - Upang maalis ang lansa ng karne ng baboy, manok o baka, maaaring pahiran muna ito ng kalamansi juice at iwan ng lima hanggang sampung minuto bago iluto. Mapapansing mas malinamnam din ang lasa ng karne.

    - Sa pagbabalat ng sibuyas, ilubog ito sa tubig saka balatan para maiwasan ang ‘pag-iyak’. Isang opsyon din na ilagay muna sa refrigerator ito bago hiwain.

    - Para manatili ang pagka-green ng leafy vegetables, maglagay ng kaunting asin at asukal sa pagluluto.

    - Madaling masira ang patatas kung ito’y malapit sa sibuyas. Para maiwasan ang pagkasira ng patatas, ilagay ito sa isang bag na may kasamang isang mansanas.

    - Upang hindi mag-iba ang kulay ng patatas at cauliflower, maglagay ng kaunting suka habang ito ay pinakukuluan sa tubig.

    - Para maiwasan ang sobrang pangungulubot ng bacon, bago ito lutuin basain muna ito sa running water.

    - Para maiwasang mabasag ang itlog, habang ito’y nilalaga, maglagay ng kaunting asin o suka rito.

    - Sa pagkakaliskis ng isda, ilubog muna ito sa tubig. Mas magiging madaling mawala ang kaliskis ng isda sa tubig.

    - Para madaling ma-shred ang keso, ilagay muna ito sa freezer sa loob ng 30 minutos.

    - Huwag pakuluan ang mais na mahigit sa tatlong minuto. Ilagay ng direkta ang mais sa kumukulong tubig at huwag lagyan ng asin. Mapapansing mas malasa ang mais. Mawawala lang ang natural na lasa nito.

    - Isang madali at mabilis na paraan sa paggawa ng meatballs ay paghulma ng mixture nito into a log at hati-hatiin ito. Ang slices ay madaling maibilog.

    - Kapag hindi pa hinog ang prutas ilagay ito sa brown paper bag at itago ito sa dark cupboard sa loob ng isa o dalawang araw. Maaari rin namang ibalot ito jaryo o tela saka ilagay sa bigasan.
     
Tags / Keywords: