1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia katuray

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang katuray ay isang mataas na puno na namumulaklak at may mala-sitaw na bunga. Ito ay karaniwang tumutubo sa kapatagan ng Luzon at Mindanao, ngunit marahil ay orhinal na nagmula sa mga karatig na bansa sa Timog Silangang Asya at Australya. Maaaring gulayin ang bulaklak at pati na ang bunga kung kaya’t madalas din itong pananim sa mga bakuran..
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KATURAY?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang katuray ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang balat ng kahoy ay makukunan ng tannin at gum.
    Makakakuha naman ng saponin at sesbanimide mula sa mga buto.
    Ang bulaklak ay may taglay na protina, tannins, oleanolic acid, kaempferol, cystine, isoleucine, aspargine, phenylalanine, valine, nicotinic acid, at vitamins B at C. Mayroon pa itong carbohydrates, saponins, flavonoids, alkaloids, at glycosides. Makukuhanan din ito ng mga mineral tulad ng calcium at iron.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Ugat. Maaaring katasan ang ugat at ihalo sa pulot (honey) upang mainom.
    Balat ng kahoy. Maaari namang pakuluan ang balat ng kahoy upang mapainom sa taong may karamdaman.
    Dahon. Karaniwang dinidikdik ang dahon upang magamit na pantapal sa mga kondisyon sa katawan.
    Bulaklak. Ang bulaklak naman ay kadalasa kinakatasan o kinakain lamang.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KATURAY?
    1. Ubo na may makapit na plema. Iniinom ang katas ng ugat na hinalo sa pulot upang mapaluwag ang pakiramdam at mapalabas ang makapit na plema.
    2. Ubo na may kasamang dugo. Pinapainom naman ng pinaglagaan ng balat ng kahoy ng katuray ang mga taong umuubo nang may kasamang dugo.
    3. Bulutong. Mabisa din ang pag-inom ng pinaglagaan ng balat ng kahoy ng katuray para naman sa kondisyon ng bulutong.
    4. Pagtulo ng sipon. Makatutulong din ang pag-inom sa katas ng dahon bulaklak para mawala ang pagtulo ng sipon sa ilong.
    5. Hirap sa pagdumi. Maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon ng katuray upang mas mapadali ang pagdudumi.
    6. Bronchitis. Ang pagkain sa mala-sitaw na bunga ng katuray ay makatutulong sa pagginhawa ng pakiramdam ng taong may bronchitis.
    7. Galis. Ginagamit naman na pantapal sa balat na may galis ang pinukpok na balat ng kahoy ng puno.
    8. Sinusitis. Pinapainom din ang katas ng bulaklak sa taong hirap huminga sa ilong dulot ng sinusitis.
     
  2. arfbig

    arfbig Eternal Poster Established

    masarap na pulotan salamat sa share....
     
Tags / Keywords: