1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia KATMON

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    KATMON

    KAALAMAN TUNGKOL SA KATMON BILANG HALAMANG GAMOT
    Scientific name: Dillenia philippinensis Rolfe; Dillenia indica Blanco; Dillenia speciosa Blanco
    Common name: Katmon (Tagalog); Philippine Catmon (Ingles)

    Ang katmon ay isang mataas na puno na karaniwang tumutubo sa mga kagubatan sa kabundukan. Ito ay may makapal na dahon at tusok-tusok na gilid, at may maputing bulaklak na may malapad na talulot. Ang bunga ay kilala sa maasim nitong lasa. Ito ay tumutubo lamang sa kagubatan ng Pilipinas.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KATMON?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang katmon ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ayon sa mga pag-aaral, ang dahon ng katmon ay may taglay na betulnic acid at 3-oxoolean-12-en-30-oic acid
    Mayroon din itong sulfated glucoside at seco-A-ring oleanane-type triterpenoid
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Bunga. Ang bunga ay karaniwang kinakatasan upang mainom at maipanggamot sa may karamdaman.
    Dahon. Ang dahon naman ay karaniwang nilalaga upang mapainom din sa may sakit.
    Balat ng kahoy. Madalas namang nilalaga ang balat ng kahoy kasama ng dahon upang maipanggamot.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG KATMON?
    1. Ubo. Ang maasim na katas ng bunga ay maaaring ipainom sa taong dumadanas ng ubo. Maaari din itong ilaga para mas madaling mainom.
    2. Sugat. Ang dinikdik na dahon ng katmon ay maaaring ipantapal sa sugat upang matulungan ang mabilis na paghilom.
    3. Lagnat. Makatutulong din ang pag-inom sa katas ng bunga para mapababa naman ang mataas na lagnat. Maaari itong haluan ng asukal upang mas madaling mainom.
    4. Hirap sa pagdumi. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy ay mabisang gamot para sa kondisyon ng hirap sa pagdumi.
    5. Iregular na tibok ng puso. Maaari ding gamitin ang maasim na katas ng bunga ng katmon para matulungan at maisaayos ang tibok ng puso.
     
Tags / Keywords: