1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia KANYA PISTULA

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    KANYA PISTULA

    KAALAMAN TUNGKOL SA KANYA PISTULA BILANG HALAMANG GAMOT
    Scientific name: Cassia fistula Linn.; Cathartocarpus fistula
    Common name: Kanya Pistula (Tagalog); Golden shöwër Tree, Puddin Pipe Tree (Ingles)

    Ang kanya pistula ay isang puno na may katamtamang taas na kadalasang nakikitang nakatanim bilang halamang ornamental sa mga parke at gilid ng kalsada. Ito ay may dilaw at mahalimuyak na bulaklak na tumtubong nakapulunpon at tila bumabagsak sa lupa, kaya naman tinatawag itong “golden shöwër tree” sa Ingles. Mayroon ding bunga ito na kahalintulad ng sitaw na mahaba at may mga buto sa loob. Tumtubo ang mga punong ito sa mga lugar na nasa rehiyong tropiko sa Asia, kabilang na ang Pilipinas.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KANYA PISTULA?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kamoteng kahoy ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    May taglay na tannin, saccharose, citric acid, pectin at anthraquinone.
    Ang bulaklak ay makukuhanan ng (E)-nerolidol at 2-hexadecanone.
    Ang dahon naman ay mayroong phytol
    Ang balat ng kahoy ay may resin
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang dahon ng kanya pistula ay kadalasang pinakukuluan at iniinom ang pinaglagaan. Maaari din itong dikdikin upang magamin na pampahid sa balat. Minsan ay pinatutuyo ito at pinupulbos.
    Bunga. Ginagamit din ang bunga ng kanya pistula sa paggagamot sa pagkuha sa katas nito. Maaari din itong kainin.
    Ugat. Maaari din ilaga ang ugat ng kanya pistula para magamit sa paggagamot.
    Bulaklak. Maaring ilaga ang bulaklak at inumin ang pinaglagaan.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KANYA PISTULA?
    1. Hirap sa pagdumi. Ginagamit ang pinaglagaan ng dahon ng kanya pistula sa pagpapadali ng pagdumi. May kaparehong epekto din ang pagkain naman o pag-inom sa katas ng laman ng bunga ng kanya pistula. Maaari ding gamitin ang pinulbos na dahon, pati na ang pinaglagaan ng ugat para sa paggagamot nito.
    2. Implamasyon. Maaaring gamitin ang pinaglagaan ng bulaklak ng kanya pistula sa pagpapahupa ng implamasyon sa katawan. Ang murang dahon nito ay maaari ding gamitin para sa kondisyon.
    3. Lagnat. Mabisang pampababa ng lagnat ang pag-inom naman sa pinaglagaan ng ugat ng kanya pistula.
    4. Pagkawala ng boses. Ang pinaglagaan ng bunga ng kanya pistula ay makatutulong sa pagpapanumbalik ng nawalang boses.
    5. Kanser. Ginagamit din ang pinaglagaan ng dahon at pagkain mismo ng bunga nito bilang pangontra sa sakit na kanser.
     
Tags / Keywords: