1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia kamuning

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang kamuning ay isang maliit na puno na kilala dahil sa maputi at mabangong bulaklak nito. Ang mga sanga ay napalilibutan ng maliliit balahibo, ang mga dahon ay maliliit lamang din. Karaniwan itong tumutubo sa mga gubat sa mabababa at mataas na lugar sa Pilipinas.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KAMUNING?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kamuning ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang mga dahon cadinene at sesquiterpene.
    Ang mababangong bulaklak ay may murrayin, murrayetin, at indol
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang dahon ng kamuning ay karaniwang pinapatuyo bago gamitin sa paggagamot ng ilang kondisyon sa katawan. Ang tuyong dahon ay dinudurog at hinahalo sa tubig bago inumin. Maaari ding gamitin ang sariwang dahon ng kamuning sa pamamagitang ng pagdidikdik dito at pagtatapal sa balat.
    Balat ng kahoy. Ang balat ng kahoy ay maaari namang ilaga at inumin upang makagamot.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG KAMUNING?
    1. Kabag. Ang pinatuyong dahon ng kamuning ay hinahalo sa tubig at iniinom na parang tsaa. Makatutulong ito para guminhawa ang pagkiramdam ng may kabag.
    2. Rayuma. Dapat ding inuman ng tubig na hinaluan ng pinatuyong dahon ng kamuning ang kondisyon ng pananankit sa ilang bahagi ng katawan dahil sa rayuma. Mabisa rin dito ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kamuning.
    3. Pilay (sprain). Upang matulungan naman ang pananakit ng katawan dahil sa naipit na ugat o nabanat na kalamnan, maaaring ipantapal sa apektadong bahagi ang dinikdik na sariwang dahon ng kamuning.
    4. Pagtatae. Mabisa rin sa kondisyon ng pagtatae ang pag-inom sa tubig na hinaluan ng dahon ng kamuning.
    5. Ubo. Para naman sa kondisyon ng ubo, maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy ng kamuning.
    6. Pananakit ng sikmura. Maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon ng kamuning para naman sa kondisyon ng pananakit ng sikmura.
     
Tags / Keywords: