1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Kampon ng kadiliman

Discussion in 'Gags & Jokes' started by Daisuke_Jigen, Aug 29, 2016.

  1. Isang gabi si Juan at Pedro ay nagnakaw ng bayabas sa kanilang kapitbahay at napagkaisahan na paghatian ang nakuha sa sementeryo para walang makakita sa kanila..Habang paakyat sila ng gate ng sementeryo ay may nahulog na dalawang bayabas..

    Pedro: juan nahulog ung dalawa!

    Juan: balikan nalang natin maya yang dalawang nahulog..

    Pedro: cge2x

    Nagpatuloy nga ang dalawa sa loob ng sementeryo at pinaghatihan ang nakuhang bayabas..

    Juan: isa sayo.. isa sa akin.. isa sayo.. isa sa akin..

    Samantala,papauwi si Kulas galing sa inuman at lasing na lasing at sa sementeryo din ang knyang daan ng marinig nya ang boses ng dalawa..

    Juan: isa sayo.. isa sa akin.. Isa sayo.. Isa sa akin.

    Nang marinig ito ni Kulas, halos nawala ang kanyang kalasingan at nagtatakbo papuntang simbahan..

    Kulas: pader! pader!

    Pader: oh anong nangyari sayo kulas parang nakakita ka ng multo..

    Kulas: Sumama po kayo sa akin sa sementeryo pader, narinig ko po kasi si lucifer at ang kanyang kampon na pinaghahatian ang mga patay..

    Dahil sa gustong malaman ng pari kung totoo nga ang sinasabi ni kulas sumama ito sa kanya.Nang nasa gate na sila ng sementeryo.. Narinig nga nila ang boses na may pinaghahatian..

    Juan: isa sayo.. Isa sakin.. Isa sayo.. Isa sakin..

    Kinabahan at nagsitayuan ang balahibo ni pader, hindi sya mkapaninwala sa narinig kaya pinakinggan pa nila ng mabuti at mejo lumapit pa sa may gate ang dalawa..

    Juan: oh last na to! Isa sayo.. Isa sakin.. Isa sayo isa sa akin..

    Pedro: ha? Anong last? Eh pano ung dalawang nasa gate?

    Pader: kulas!

    Kulas: ano yun pader?

    Pader: tara na! takbooooooooooo!!!!!!!

    :hilarious:
     
    R4dd, shadapakap696 and Contravida like this.
  2. hehe.natawa ako pero konti lang.pwede na.:happy:
     
  3. DaRk8

    DaRk8 Addict Established

    Hehehehe si pader ma takot din pala heheheheheh:ROFLMAO:
     
  4. Hahaha. Natawa ako sa Reaksyon ni Kulas. HAHAHAHA!
     
  5. degamobryan

    degamobryan Addict Established

    ahaha kakatawang joke idol ko si pader
     
  6. poppy31

    poppy31 Journeyman Established

    hahaha yung dalawa sa gate naiimagine ko sila habang natakbo
     
  7. Fajart

    Fajart Eternal Poster Established

    Hahaha. Ang galing :hilarious:
     
  8. prime93

    prime93 Addict Established

    ha ha ha ha.na imagine ko mukha nilang dalawa, siguradong namumutla at napaisip na "patay,nalaman nila na nandito tayo"
     
  9. nawexhet

    nawexhet Grasshopper Established

  10. riflezerotwo

    riflezerotwo Enthusiast Established

  11. meask

    meask Enthusiast Established

  12. BloodyKnight

    BloodyKnight Addict Established

  13. shadapakap696

    shadapakap696 Addict Established

  14. sugoboy18

    sugoboy18 Grasshopper Established

    hahahaha isa sau isa sakin...
     
  15. borugs

    borugs Eternal Poster Established

  16. elizar103

    elizar103 Enthusiast Established

Tags / Keywords: