1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Kambing

Discussion in 'Love' started by Jeanh, Nov 9, 2015.

  1. IKAW.
    Hindi ako. Hindi siya. Ikaw.

    Oo, ikaw ang minahal ko.
    Ikaw ang pinili ko.
    Ikaw ang gusto ko.

    Pero paano na ang "tayo"
    kung wala ka na sa piling ko?
    Lahat naman ay ginawa ko,
    manatili ka lang sa tabi ko.

    Ikaw, siya, kayo.
    Wala na nga palang "tayo."



    PUYAT.
    Kalagayan ng mga kulang sa tulog.

    Dati ayos lang na mapuyat ka,
    dahil kausap mo siya hanggang
    alas tres ng umaga.
    Palihim na ngingiti at kikiligin sa kama,
    kapag narinig mo ang boses niya
    na parang masaya.

    Dati ayos lang na mapuyat ka,
    Kahit ang mga pinag-uusapan niyo'y
    wala nang kwenta,
    basta marinig mo lang ang boses niya,
    doon ka lang naman sumasaya.

    Pero ngayong mag-isa ka na,
    wala nang rason para magpuyat pa.
    Wala nang usapan hanggang umaga,
    dahil wala naman kayong dalawa.


    PANYO.
    Isang uri ng panlinis na gawa sa tela.

    Ang panyo, parang tunay na kaibigan
    nandiyan para punasan ang luha
    kapag malungkot ka,
    nandiyan para alisin ang pawis
    kapag pagod ka na,
    at nandiyan para damayan ka
    kapag sobra ka na sa katatawa.


    SORRY.
    Paghingi ng kapatawaran.

    Kapag pinaulit-ulit na lang,
    ito'y nagiging kasinungalingan.


    Gripo.
    Daluyan ng tubig.

    Tulad ng mga mata mong
    naging isang gripo,
    simula noong ika'y niloko
    ng taong akala mo'y
    mamahalin ka nang totoo.


    GOODBYE.
    Isang pamamaalam.

    Pero bakit ikaw, biglang nawala.
    Wala man lang paalam,
    Wala man lang paramdam.
    Naglahong parang bula.

     
    S Ron likes this.
  2. Whogoat yan weh..hahaha
     
    S Ron likes this.
  3. ah edi wow haha kala ko joke eh
     
  4. hahaha gggrr rawr
     
  5. kala ko naman recipe ng kambing..
     
    demonic098 likes this.
  6. hahaha..pahinga muna yung recipe section ko
     
  7. kambing=whogoat?
     
  8. S Ron

    S Ron Forum Veteran Established

    hahaha.. ayos ka talaga boss jeanhjeanh (y) :D
     
    Jeanh likes this.
Tags / Keywords: