1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia KAALAMAN TUNGKOL SA TAWA-TAWA BILANG HALAMANG GAMOT

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    KAALAMAN TUNGKOL SA TAWA-TAWA BILANG HALAMANG GAMOT
    Scientific name: Euphorbia hirta Linn.; Euphorbia capitata Lam.; Euphorbia pilulifera Linn.
    Common name: Tawa-tawa, Boto-botones, Gatas-gatas (Tagalog); Asthma plant, Snake Weed (Ingles)

    Ang tawa-tawa ay isang maliit na halaman na karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote at nakatiwangwang na lupa sa maraming lugar sa Pilipinas kasama ng mga damong ligaw. Ang mga dahon ay tumutubo ng magkakapares at magkakatapat sa isang sanga. Bahagyang nababalot ng maliliit na buhok ang buong halaman. Kilala rin ito sa pagkakaroon ng maraming dagta kung sakaling mapuputulan ng tangkay o dahon.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TAWA-TAWA?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tawa-tawa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Taglay ng halaman ang gallic acid, quercetin, triacontane, cetyl alcohol, phytosterol, phytosterolin, jambulol, melissic, gayun din ang palmitic, oleic, at linoleic acid
    Mayroon din itong euphorbianin, leucocyanidol, camphol, quercitrin at quercitrol.
    Ang pinatuyong dahon ay makukuhanan naman ng protein, fat, crude fiber, at carbohydrate. Mayroon pa itong bitamina gaya ng ascorbic acid, thiamine, riboflavin, at niacin
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Ang buong halaman ng tawa-tawa ay ginagamit sa panggagamot sa ilang mga kondisyon sa katawan.
    Dagta. Ang maputing dagta ng halaman ay kinukuha at ginagamit sa panggagamot sa ilang mga kondisyon. Karaniwang hinahalo sa inumin.
    Dahon. Ang mga dahon ay karaniwan namang nilalaga at pinapainom sa may sakit. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa balat.
    Ugat. Madalas ding ilaga ang ugat ng tawa-tawa para magamit sa ilang karamdaman.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG TAWA-TAWA?
    1. Hika. Ang dagta ng tawa-tawa ay kadalasang hinahalo sa inumin para maibsan ang sintomas ng hika. Maaari ding patuyuin ang mga dahon at gamiting parang sigarilyo. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng halaman para sa kondisyon ng hika.
    2. Dengue. Mabisa din ang tawa-tawa para sa mga sintomas na dulot naman ng dengue. Ang buong halaman na tinanggalan ng ugat ay pinakukuluan at pinapainom na parang tsaa sa may sakit.
    3. Pagtatae. Ang tuloy-tuloy na pagdudumi ay maaari namang gamutin sa tulong ng pag-inom din sa pinaglagaan ng halaman. Mabisa rin para sa kondisyon ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat.
    4. Buni. Ang pagpapahit ng dagta ng tawa-tawa ay mabisa para sa pag-alis buni sa balat
    5. Kulit. Sinasabi rin na mabisa ang dagta ng tawa-tawa para sa paggagamot sa kuliti sa mata. Ang dagta ay pinapatak sa apektadong mata.
    6. Lagnat. Ang pinaglagaan ng ugat ay makakatulong sa pagpapababa ng simpleng lagnat.
    7. Pigsa. Ang dinikdik na dahon naman ay maaaring ipantapal sa balat na apektado ng pigsa.
    8. Nagpapasusong ina. Nakakapagpalakas din sa gatas ng nagpapasusong ina ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng halamang tawa-tawa
    9. Sugat. Mapapabilis naman ang pag-hilom ng sugat sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng tawa-tawa
    10. Altapresyon. Nakakapagpababa din ng presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon.

    Ang tawa tawa ay isang halamang gamot na kilala din bilang gatas-gatas, may sayantipikong pangalan na Euphorbia hirta, tumutubo sa mga damuhan, daanan, palayan at kahit sa gilid ng kalsada. Ang katutubong halaman na ito na may mabalahibong dahon ay itinuturing ng nakararaming mga Pilipino na isang maalamat na panlunas sa sakit na dengue.
    Nagbigay ng babala ang DOH sa mga gumagamit nito na mag-ingat, sa kadahilanang, nagpaparami lang ito ng platelets ng dugo at hindi panlaban sa virus ng dengue.
    May iilan na seryosong malaman ang tunay na katutuhan kung nakakatulong nga ito laban sa dengue, ang mga mag-aaral ng UST – Faculty of Pharmacy ay nagsagawa ng pag-aaral ukol dito.

    Ginagamit na gamot herbal sa:

    Dengue

    Pano ihanda:
    Bilang inumin
    Hugasan ang mga dahon.
    Pakuluan sa tubig
    Itabi, palamigin at salain.
    Gamitin tatlong beses isang araw, o gawing pamalit sa inumin.
     
  2. smugglas

    smugglas Enthusiast Established

    Salamat sa share.. Mas kailangan pa rin natin ng good healt kay sa free net :p
     
  3. smugglas

    smugglas Enthusiast Established

    M
    may tanong ako pano naging establesh?
     
  4. boss thugz..pakibasa po ito==>> Please or Register to view links
     
  5. smugglas

    smugglas Enthusiast Established

    Ay
    hehe salamat, , naka 40posts na ako e
     
    Jeanh likes this.
  6. continue mo lang boss (y)
     
Tags / Keywords: