1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Jordan Clarkson sa Gilas WALA PANG GARANTIYA

Discussion in 'Sports' started by aregee, Aug 27, 2015.

  1. Ayaw pang pakasiguro ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na makakalaro na sa Gilas national team si Los Angeles Lakers point guard Jordan Clarkson hangga’t hindi hawak ang go-signal ng FIBA at ng Lakers.

    Pero isinama na ang pangalan ng Fil-Am, nasa bansa sa kasalukuyan, sa 24-man list na isinumite ng SBP sa organizers ng FIBA Asia Championships sa susunod na buwan sa China. Taya rito ang isang tiket sa 2016 Rio Olympics.

    “Just because he has been included in the list doesn’t mean he can already play,” pahayag ni SBP executive director Sonny Barrios.

    Naniniguro lang umano ang SBP na nasa listahan ang pangalan ng 6-foot-5 na si Clarkson, ang inang si Annette ay ipinanganak sa Angeles sa Pampanga, sakaling puwede itong makalaro.

    Dumating ng Manila si Clarkson noong Lunes para plantsahin ang endorsement deal sa Smart Communications. Nagsagawa rin siya ng basketball clinics.

    May Philippine passport si Clarkson mula pa noong edad 12, kaya hindi na niya kailangang dumaan sa naturalization process.

    Naging interesado ang SBP kay Clarkson nang sabihin nito na gusto niyang maglaro sa Gilas.
    “Nagpahayag ‘yung bata na gusto niyang makapaglaro sa atin kaya tatanggi pa ba tayo?”

    paliwanag ni Barrios. “Kahit hindi tayo ganu’n kakumpiyansa na makakapaglaro agad siya, at least andu’n ‘yung willingness niya to represent the country.”

    Sumama si Clarkson sa praktis ng Gilas kagabi sa Meralco Gym sa Ortigas. Sa Sabado ay pa-Taiwan ang Nationals para sa Jones Cup.

    Nasa listahan din ng SBP sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, LA Tenorio, Marc Pingris at Paul Lee, gayundin sina Kiefer Ravena at Bobby Ray Parks, Fil-Tongan Moala Tautuaa at Troy Rosario.

    Sina Tautuaa at Rosario ang 1-2 picks sa nakaraang PBA draft at teammates sa Talk ‘N Text.
     
  2. [​IMG] thanks for sharing [​IMG]
     
Tags / Keywords: