What's new

Job interview ni juan

Status
Not open for further replies.

imbaustic

Forum Guru
Joined
Nov 10, 2012
Posts
2,822
Reaction
2,340
Points
1,025
Age
27
Dahil first job interview ‘to ni Juan pinaghandaan niya ng husto, nag research at nag aral siya sa mga posibleng itatanong sa job interview.

MAM: Next applicant JUAN. Merong 50 na kahon sa eroplano. Kung nahulog ang 1, ilan ang matitira?

JUAN: Confident! Alam ko yan MAM, Madali lang yan, eh di 49!

MAM: Ngayon, sabihin mo sakin ang 3 steps kung paano mo mailalagay ang elepante sa ref?

JUAN: 1. Buksan ang ref 2. Ilagay ang elepante 3. Isara ang ref

MAM: 4 steps naman kung paano mo mailalagay ang usa sa ref?

JUAN: 1. Buksan ang ref 2.Alisin ang elepante 3.Ilagay ang usa 4.Isara ang ref

MAM: Ngayon, birthday ng leon. Andun lahat ng hayop maliban sa 1. Anu un at bkit ?

JUAN: Yung usa, dahil nasa loob siya ng ref.

MAM: Next question, paano makakatawid ang matandang babae sa ilog na puno ng buwaya?

JUAN: Tatawid lang siya kase wala naman yung mga buwaya. Andun sila sa birthday ng leon.

MAM: Pero namatay parin yung matanda. Sa anong dahilan?

Sa isip ni JUAN, ang dadali lang ng tanong nasagot ko lahat. Makakapagtrabaho na rin sa wakas! :))

JUAN: Marahil, nalunod? (Napa ngiti si Juan kay Mam)

MAM: MALI! Tinamaan siya nung kahon na nahulog mula sa eroplano. tsk tsk tsk. Maaari ka ng umalis… Next applicant please!

Napa nga nga na lang si Juan…
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top