1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Internet sa Pilipinas

Discussion in 'General Chat' started by jlruben08, May 19, 2016.

  1. jlruben08

    jlruben08 Journeyman Established

    Gusto ko lang sana malaman kung mabagal ba talaga ang internet sa Pilipinas. Diba hindi naman talaga siya mabagal. Sadyang Mahal lang talaga ang kailangan mong ibayad para mabilis ang Net.

    Diba sa mga Computer shop like Mineski, TNC, Paci, etc. mabibilis naman ang internet, so hindi talaga mabagal ang internet sa Pilipinas. Ang mahal lang siguro talaga? Ang tanong, bakit ang Mahal?

    Hirap ba makapagprovide ng internet yung mga ISP or sadyang swapang lang talaga sila? Ano sa tingin niyo mga ka phc?
     
  2. I'd go for swapang lang talaga sila. Opinion ko lang to ha. Ang nakikita kong problema dito is yung monopoly na nangyayari sa mga ISP natin. Kulang sa competition, and since walang competition walang choice ang consumer na bilhin ang product nila. Kung ayaw mo wag mo kumbaga, kung nammahalan ka edi wala kang internet. Wala tayong choice. PLDT pa din ang nangunguna sa scheme na to. Si Globe naman at iba pang ISP naka depende sa backbone na ginawa ng PLDT nung hindi pa tayo pinapanganak at wala din silang choice.

    Maganda na sana ang move ng Sun dati nung inemplement nila yung unlimited call and text nung hindi pa uso kina Globe and Smart yan. Pero nakatikim sila ng demanda from Globe and Smart dahil daw sa "predatory pricing" kumbaga mga Sun user lang makikinabang. In the end ginaya nila, pero kulang pa din ang competition para mapababa ang price sa mga ganitong services.

    Telstra? Hinarangan daw ng Globe. Probably it's a conspiracy.

    Unlike sa US, baha ang mga services. Kumbaga kung di mo ko kayang bigyan ng magandang price dun ako sa kabila. We're talking par services. Same service ang nakukuha nila, so walang point magtaas ng price. Dito, nakamura ka nga pero mas superior naman ang service nung mahal.

    It boils down pa rin siguro sa competition kaya sobrang mahal ng internet natin sa Pinas. Bakit walang gustong mag compete? PLDT first off nakaugat na sa Pinas, kung gagawa ka ng sarili mong infrastructure at hindi ka mag rerely kay PLDT kunyari na bumili ng bandwith para sa subscriber mo, milyon milyon gagastusin mo, di mo pa sure kung kikita in the end. Just my two cents. :p
     
  3. dmjcsi

    dmjcsi Enthusiast Established

    may time na mabilis. pero mas maraming time ang mabagal sila. saka sobrang mahal na nga. may capping pa.
     
  4. jacob27

    jacob27 Enthusiast Established

    Sad truth, both! Mabagal na nga, mahal pa. Only in the Philippines rin ba to?
     
  5. GOPERAL

    GOPERAL Eternal Poster Established

    realidad sa Pilipinas :)
     
  6. ano po magandang unli. surf sa globe pang pocket wifi po mga boss
     
  7. markz6197

    markz6197 Addict Established

    Actually sobrang bagal talaga niya. Here's an infographic about the speeds. June last year pa to, pero not much changed in a year, really.
    [​IMG]
     
  8. talagang sugapa lang sila. kaya naman nila gawan paraan yan eh. may budget naman sila. talagang pera pera lang sa pilipinas.
     
  9. banditz

    banditz Addict Established

    kung hindi madadagdagan isp sa pilipinas wag nakayo umasang bibilis pa internet sa pilipinas may ntc nga wala namang kwenta!
     
  10. tama. at kung walang unang mag aayos ng connection ng isang network hindi din mag aayos yung iba. patigasan nalang kumbaga. iilan lang sila nag lalaban e.
     
  11. malakas xa may limit lng at mahal
     
  12. swapang at palpak... hehehe...
     
  13. Tama yung sabi ni boss Nicolandia. Walang fair competition dito sa Pinas dahil sa monopoly ng mga ISP companies dito. Kaya nga mahal na, mababa pa yung rate ng service, at di pa totoo yung binayaran mo!
    Yung basura nating anti-foreign investor na batas na nag-limit sa 40% ownership sa isang Philippine-registered company ang pumipigil din sa pagpasok ng foreign investors sa Pilipinas...Pag may pumasok man, tinataboy pa!
    Hanggang hindi dumarami yung suppliers ng net dito, at di rin maabot ng karamihan ng mamamayan yung presyo/serbisyo nila ay patuloy tayong nasa kulelat sa listahan maging sa Asia.
     
  14. jlruben08

    jlruben08 Journeyman Established

    Pera. Pera lang talaga. Swapang na swapang. :(
     
Tags / Keywords: