1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia ikmo

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang ikmo ay isang maliit na halaman na gumagapang na matagal nang ginagamit sa panggagamot. Ang mga dahon ay bilugan sa ilalim at may patulis na dulo, habang ang mga bulaklak ay kumpol-kumpol sa isang tangkay. Karaniwang tumutubo sa mabababang lugar sa Luzon. Ang dahon nito ay karaniwang nginunguya bilang nganga o moma kasama ng iba pang sangkap.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA IKMO?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang ikmo ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang mga dahon ay makukuhanan ng langis na kung tawagin ay betel oil. Taglay naman ng langis ang ilang uri ng kemikal gaya ng chavicol, betelphenol, eugenol, allyl pyrocatechin, terpene, cineol, caryophyllene, cadinene, at menthone.
    Taglay naman ng iba pang bahagi ng halaman ang hydroxychavicol, hydroxychavicol acetate, allypyrocatechol, chavibetol, piperbetol, methylpiperbetol, piperol A at piperol B
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Karaniwang dinikdikdik at kinukuhanan ng langis ang sariwang dahon ng ikmo. Ito rin ay kasamang nginunguya para sa nganga o moma. Maaari ding langisan ang dahon at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari ding inumin ang katas ng dahon sa pamamagitan ng paglalaga dito.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG IKMO?
    1. Sugat. Karaniwang dinidikdik ang dahon at pinagtatapal sa sugat upang mabilis na gumaling.
    2. Pananakit ng tiyan. Ang dahon ay karaniwan ding pinapahiran ng langis at saka ipantatapal sa bahagi ng tiyan upang maibsan ang pananakit. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon para sa kaparehong epekto. Maaari ding dikdikin ang dahon bago ipantapal sa tiyan.
    3. Kabag. Ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis sa tiyan ay mabisa rin para sa kabag.
    4. Hirap sa paghinga. Maaari namang itapal sa dibdib ang nilangisang dahon para malunasan ang pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga.
    5. Diphtheria. Ang langis na makukuha sa dahon ay maaaring ipangmumog para maibsan ang sakit na diphtheria.
    6. Pananakit ng ulo. Dapat namang itapal sa noo at sentido ang dahon para matulungan ang kondisyon ng pananakit ng ulo.
    7. Eczema. Ang implamasyon sa balat dahil sa dermatitis ay maaaring malunasan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon sa apektadong balat.
    8. Mabahong hininga. Ang pagnguya sa sariwang dahon ng ikmo ay mabisa para mawala ang hindi kanais-nais na amoy ng bibig.
     
Tags / Keywords: