1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

hugot Lines

Discussion in 'Off-Topic' started by capslocked, Sep 8, 2015.

  1. PUYAT.
    Kalagayan ng mga kulang sa tulog.

    Dati ayos lang na mapuyat ka,
    dahil kausap mo siya hanggang
    alas tres ng umaga.
    Palihim na ngingiti at kikiligin sa kama,
    kapag narinig mo ang boses niya
    na parang masaya.

    Dati ayos lang na mapuyat ka,
    Kahit ang mga pinag-uusapan niyo'y
    wala nang kwenta,
    basta marinig mo lang ang boses niya,
    doon ka lang naman sumasaya.

    Pero ngayong mag-isa ka na,
    wala nang rason para magpuyat pa.
    Wala nang usapan hanggang umaga,
    dahil wala naman kayong dalawa.







    PAMBURA.
    Ginagamit para maalis ang naisulat.

    Pero may mga bagay na kapag nagawa na,
    hindi mo na mababago pa,
    mabura man ng salita o gawa,
    kitang kita pa rin ang masakit na marka.




    NGITI.
    Pagpapakita ng kasiyahan.

    Minsan, ito na lang ang tangi mong nagagawa,
    kahit sobrang sakit na.
    Magkukunwaring masaya at tuwang-tuwa,
    kasi ayaw mo siyang mawala at magsawa.

    Yung tipong ikaw na lang ang lumalaban,
    sa pinangako niyang pag-iibigan.
    Yung ikaw na lang yung nagtitiis,
    Ngumingiti sa kabila ng pait at hinagpis.




     
    Soul Surfer likes this.
  2. 360speirs

    360speirs Addict Established

    wow huh., haha tibay nito
     
  3. Ayus yang hugot mo caps. Hahha :LOL: i push!
     
  4. Bawal single smiley caps . :LOL:
     
  5. daming meaning naman nyan eh:shy: parang action speaks louder than words:joyful: example, nakasalubong mo crush mo tapos magssmile ka pero deep inside napaka meaningful ng smile na yun, it consists of happiness, admiration and awkwardness:sneaky:
     
  6. Anong hugot to? o_O Hahah :LOL:
     
Tags / Keywords: