1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Food and Recipe Honey Glazed Ham "Pinoy Style

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Yours, May 14, 2016.

  1. Honey Glazed Ham "Pinoy Style". Kapag ang hamon ay hinaluan ng asukal na pula at pinya.. malamang ay pinoy ang gumawa nyan.. hahaha.. ituturo po natin d2 ang technique ng pag oven bake ng hamon na pang world class.. (",)



    [​IMG]


    Sangkap:
    Hamon (Spiral ham ginamit ko d2)
    1 tasa asukal na pula
    1 tasa honey
    Pineapple slices
    Cherry (optional)
    note: ang glaze ay pwede ring haluan ng 2 kutsara ng yellow mustard at cinnamon powder

    Paraan:
    Pre-heat po muna natin ang oven ng 325 deg F. Ilagay ang ham sa baking pan at takpan ito ng aluminium foil (para hindi magmukhang sunog ang labas). Lagyan ng 1/2 tasa tubig ang pan (ito ay para magkaroon ng steaming effect at maging juicy ang loob ng ham). I-bake po natin sya ng mga 2 oras (cooking time ay 25 minutes per kilo). Paghaluin ang asukal na pula at honey sa isang malukong. Ito ang ating glazing. 15 minuto bago maluto ay tanggalin ang aluminium foil at pahiran ng mainam ng glazing ang buong ham. Idagdag ang pineapple slices at cherry. Ibalik ito muli sa oven ng walang takip hanggang mag-caramelized at maluto ang labas. Ilipat ng lalagyan at isilbi ng may magandang presentasyon lalo na sa mga special occasion.. bon apettite!! (",)


    masterscollectiverecipes
     
Tags / Keywords: