1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

HINOG NA!

Discussion in 'Sports' started by aregee, Aug 4, 2015.

  1. [​IMG]
    KISAPMATA Mabilis tinapos ni Brian Viloria (kaliwa) ang bakbakan nang
    tatlong beses pabagsakin si Omar Soto sa first round lang para agad
    tapusin ang laban. (Chris Farina/Top Rank)

    Limang taon na ang nakakaraan, nagsagupa sa dikdikang 10 rounder sina Brian “The Hawaiian Punch” Viloria at Omar Soto sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Nanaig doon ang Filipino-American via split decision.

    Sabado ng gabi sa Florentine Gardens sa Hollywood, California, hindi na pumayag si Viloria na muling mapunta sa score cards ng judges ang resulta.

    Sa halip, hinayaan niyang ang mga kamao ang magdesisyon.

    Pagtunog ng opening bell, nagtrabaho agad si Viloria. Tatlong beses niyang pinabagsak ang Mexican para tapusin ang laban via first round knockout.

    Dalawang right hooks ni Viloria ang dalawang ulit ding nagpatiklop kay Soto. Nakarekober pa ang Mexican pero inabot muli ng left hook sa katawan, sinundan ng left hook sa ulo, at sa ikatlong pagkakataon ay humalik sa lona ang Mexican.

    Hindi na binigyan ni referee Zachary Young ng standing eight count si Soto, tinapos na ang laban sa 2:02 mark ng opening round. Inilista ni Viloria ang pang-36 na panalo laban sa apat na talo at KO number 22.

    Unang panalo ito ni Viloria pagkatapos ng tatlong sunod noong 2014.

    Pero napakaimportante ng panalong ito ng dating four-time world champion dahil naipakita niyang hinog na siya para hamunin ang mga nasa tuktok ng flyweight division.

    Matunog ang pangalan ni Viloria bilang contender sa WBC belt ni undefeated Roman “Chocolatito” Gonzales (43-0, 37 KOs) ng Nicaragua. Kung matutuloy, ikakasa ang laban sa Oktubre. Malamang na maging co-featured fight ito ng Gennady Golovkin-David Lemieux middleweight bout.

    Laban kay Soto, nasa corner ni Viloria si Hall of Fame trainer Freddie Roach kasama sina Marvin Somodio at long-time trainer Ruben Gomez.
     
  2. [​IMG] thanks for sharing [​IMG]