1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Hika: Natural Na Gamutan

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Dec 11, 2015.

  1. Hika: Natural Na Gamutan


    Heto ang mga kaalamang natutunan ko tungkol sa paggamot ng hika (asthma). Puwede ninyo itong subukan.
    1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng hika.
    2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na ‘mukokinetic’ at nagpapaluwag ng plema sa baga.
    3. Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng matapang na kape – black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.
    4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para mabawasan ang hika.
    5. Uminom ng Vitamin C tablet hangang 1,000 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.
    6. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Subukan mag-baras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang iyong masel na ginagamit sa paghinga.

    Iwasan po ang mga ito:
    1. Ang soft drinks ay nakapagsisimula ng hika, lalo na sa mga bata.
    2. Ang vetsin din ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake ng hika.
    3. Alamin ang pagkain na nakaka-allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok.
    4. Mag-ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.
    5. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans, kasi lolobo at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapan huminga.
    6. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr Gerard Hoek ng Netherlands, ang mga taong nakatira sa tabi ng mga highways o yung mga exposed sa polusyon ay mas maagang namamatay kumpara sa taong malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maduduming hangin at lugar. Puwedeng magsuot ng face mask para mabawasan ang usok na nalalanghap.
     
    queencee, azriel022514 and demonic098 like this.
  2. approve ako sa lahat except sa kape hinihika ako lalo sa kape eh
     
  3. queencee

    queencee Forum Expert Established

    Thanks for the information ma'am jeanhjeanh .
     
  4. EARZE

    EARZE PHC Contributor Established

    thanks for sharing boss.. (y)
     
Tags / Keywords: