1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Healthy herbs para sa healthy food

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Mar 21, 2016.

  1. [​IMG]

    Hindi lang pampalasa ang herbs sa pagkain. May health benefits din ito sa atin tulad ng phytochemicals. Nasa phytochemicals ang flavonoids, terpenoids, lignans, sulfides, at carotenoids, at makakatulong para iwas cancer at sakit sa puso.

    Rosemary. Nasa mint family ang rosemary kaya naman masarap at malasa. Bagay gamitin sa manok, isda, baboy o kahit sa grilled potatoes. Masarap din itong ihalo sa veggie omelets. Mayroon itong disease preventing at health promoting properties at mayaman sa B-complex vitamins tulad ng folic acid para sa production ng red blood cells.

    Basil. Nasa mint family din ito at mas malasang ibagay sa kamatis at mozzarella – pwede sa sandwich. Masarap din ito sa salad at pasta. Kilala ito sa pagkakaroon ng anti-inflammatory at anti-bacterial properties.

    Flax seeds. May monounsaturated fats ito para mapababa ang blood pressure at kolesterol. May fiber din at omega 3. May potent antioxidant compounds ito laban sa chronic diseases. Pwedeng ihalo ito sa oatmeal, soup, yogurt, o smoothies.

    Cilantro. Mula ito sa parsley family. Bagay ito sa salsa, Mexican, Asian o Carribean-inspired dishes. Dapat crushed ito bago isahog sa pagkain tulad ng scrambled egg, salad, pasta, atbp. Mababa ito sa calories at walang kolesterol. May natural cleansing agent para maging healthy ang pangangatawan.

    Oregano. Bahagi pa rin ng mint family. Karaniwang ginagamit sa Italian, French, at Greek cuisine. Masarap ito sa pasta, chicken, beef at tomatoes. May bacteria-fighting power ito at mataas sa fiber na nagpapababa sa blood sugar, pambawas kolesterol at pang-iwas colon cancer.

    Thyme. Mula pa rin sa mint family na mataas sa vitamin C at iron. Mabenta ang herbs na ito dahil sa antibacterial at antifungal compounds nito. Ang dried thyme ay bagay sa salad dressings, pwede ring i-spread sa inihaw na gulay sa halip na butter. Pwedeng ipahid sa lulutuing isda, lalo na sa salmon. Bagay din sa chicken soup o salad.

    Chamomile. Maraming klase nito. Ang German chamomile ay para sa medicinal purposes, ang Roman chamomile ay sa lutuin, at pwedeng kainin with baked potatoes at salads. Sa iba, ginagawa itong herbal beer o herbal tea – pampalakas ng immune system at pangontra sa cold-related infections.
     
Tags / Keywords: