1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

GILAS PILIPINAS NALALAGASAN

Discussion in 'Sports' started by aregee, Aug 4, 2015.

  1. [​IMG]
    Mula sa Instagram account ni Marvin Espiritu, agent ni Japeth Aguilar, makikita ang bumalikukong daliri ng player na nangailangan ng surgery. Dahilan para hindi makasama sa Gilas team ang player.

    Patuloy na nalalagas ang mga posibleng maging miyembro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 2015 FIBA-Asia Championship at ang pinakahuling hindi makakapaglaro sa koponan ay si Brgy. Ginebra Japeth Aguilar.

    Ito’y matapos sumalang sa surgery ng kanyang kaliwang kalingkingan (left pinky finger) at kinakailangan ng hindi bababa sa 12 linggong pahinga.

    Sa Instagram account ng agent ni Aguilar na si Marvin Espiritu, makikita ang larawan ng kamay ni Aguilar partikular ang daliring nabaluktot.

    Ayon sa ulat, ipinaalam ng 6’9” na si Aguilar kay national coach Tab Baldwin ang kanyang kalagayan (injury) kahit noon pa mang semifinals ng PBA Governors’ Cup, ayon kay Espiritu.

    Matagal na umano ang nasabing injury pero hindi na kayang tiisin ni Aguilar, kaya’t minabuting isailalim na sa surgery.

    “Last season niya nakuha ‘yan. After the third conference, we decided to have surgery na,” ani Espiritu sa panayam ng Spin.ph.

    “Old injury na ‘to na lumala nang lumala. Nasira na ‘yung mga joints niya, ‘yung buto, bumaluktot na kasi tine-tape lang niya ‘yung daliri niya na ‘yan,” dagdag pa niya.

    Hindi nag-iisa si Aguilar na hindi makakalaro sa national team. Naunang nagpaalam ang kanyang teammate sa Ginebra na si LA Tenorio, na ilang beses kinatawana ng Pilipinas sa international meet.

    Gayundin sina Marc Pingris, Marcio Lassiter at June Mar Fajardo.

    Ang Gilas Pilipinas ay sasabak sa Asian qualifier sa Setyembre para sa Rio Olympics sa susunod na taon.

    “Actually, alam na rin ni coach Tab ‘yan since nu’ng playoff time of the third conference. Nag-reach out kami kay coach Tab na courtesy lang na magpapaopera siya,” lahad pa ni Espiritu.

    Siniguro naman ni Espiritu na isang malusog na Aguilar ang masasaksihan sa pagbubukas ng panibagong PBA season.
     
  2. sino natanggal??