What's new

Closed General Luna and Emilio Aguinaldo a Hero or Traitor?

Status
Not open for further replies.
(y) Oo bossing nabasa ko rin yun na padalos-dalos si Bonifacio puro tapang daw. Alam ni Rizal kung gaano kalakas mga kastila, never naman nakisalamuha si bonifacio sa mga matataas na opisyal ng espanya dahil lower class pamumuhay niya. (y) Sayang lang kung nagkaisa silang lahat eh di sana 'The Avengers'. :ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO:
:ROFLMAO:Kulang sa "Tag Team" eka-nga he he. Naubos lang talaga ang pasensya ni Bonifacio dahil sa katagalan ng peaceful campaign at propaganda nila. Sa totoo lang, ayon na rin sa salaysay ng aking mga ninuno at iba pang nakatatanda, masagana ang Pilipinas noong panahon ng mga Kastila. Ang isa lang masaklap ay yung pag-aari ng iilan lang mga tao sa mga lupain sa Pilipinas. Karamihan sa mga ito ay mga "frayle" (sumalangit nawa ang lolo ko he he), mga dayuhang Kastila...Isa yan sa pinamulat ni Rizal at ng iba niyang kasamahan, ng matauhan ang ilang Pilipino at mamulat ang isip sa isang malayang bansa na tayo mismo ang mamamahala.
 
:ROFLMAO: Hahaha 'frayle' ka pala bossing, isa kang kaaway ng kilosan. Hahaha joke :ROFLMAO:
 
:D Yung ninuno ko ay isang "frayle" sa Espana, may naging lihim na anak na babae at ipinakasal sa isang mason (freemason) bago siya ipinatapon pabalik sa Espana ng natalo na ang mga Kastila.
Malungkot din isipin bosing na isang alagad ng Diyos pa ang ninuno ko. Kung ginagawa niya, malamang yung iba noong araw ay ganoon din. Di tama yon! Kaya nga naging free thinker na lang ako't walang saysay yung relihiyon - ano mang uri man yan. Isang kathang isip ng mga ninuno natin, isinalin-salin sa iba't ibang paraan upang mabilog lamang ang ulo ng mga naniniwala. Hinubog lang tayo ng panahon at kasaysayan, kaya dapat bukas ang ating isip sa katotohanan at pagbabago.
Sorry bosing naging serious na he he.
....Aba, hindi naman kaaway ng kilusan ang isang side ng lahi ko, mga sniper naman sila ng guerilla sa panahon ng digmaan laban sa Hapon. You take the point....go, go, go...he he! Lintek lang itong idol ko noon na si Marcos, kinumpiska lahat ng armas namin bago ako umabot ng hustong edad para humawak. Ang naabutan ko na lang ay yung pinakaunang Estrella Parco na de-bomba (airgun) he he. Di man tao ang binabaril ko, ang sarap ng pakiramdam ko noon kapag nakahuli ng 50 - 100 na wild pigeons (yung tinatawag na kulu-kulo at balod). Busog lahat ang tropa at isang linggong ulam ko na.
 
(y) Hahahahahahahaha ayos pati buhay naisulat na dito. Isa kang alamat boss! Salamat sa mga tricks mo. (y)
 
:ROFLMAO: Si Heneral lang ba ang may makulay na kasaysayan? No way bro! Bawat isa sa atin may inambag, gaano man kaliit at kalaki na pagbabago sa takbo ng panahon. Tayong lahat ay isang alamat, maging ikaw!

Sa totoo, pinaalala mo sa'kin yung mga hobbies ko noong araw...magsulat ng mga maiikling kuwento sa Wagas, Pinoy komiks at Liwayway, atbp. Hindi na lang natuloy ng mag-aral na ako sa kolehiyo he he. Dyahe kasi sa mga tropa ko noon he he....kaya taga-gawa na lang ako ng love letters para sa nililigawan nilang tsiks he he.

Sana nga ay maituloy yung trivia mo sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw sa ibang bahagi ng panahon at mga tauhan (tulad ng mga bayani) na humubog sa kung ano tayo ngayon.
(Banggit ko lang ito dahil napakaraming mali na itinuro sa mga kabataan noon at ngayon. Maging ibang mga historical movies natin ay for entertainment purposes lang at masyadong salado yung nilalaman ng kuwento.)

Kapag may oras ako, magsisimula ako siguro sa pinakauna daw o_O na ating bayani - si Lapu-Lapu!
 
mahina ako sa history totoo kaya lahat ng nasulat dito
Tandaan mo lang kabayan na ang kasaysayan nating nababasa, nariririnig at napapanood ay hango lamang sa mga inipong impormasyon ng mga ordinaryong tao na katulad natin. Bagaman mayroon silang kredibilidad o posisyon sa pagsalin nito sa ating isipan, hindi natin sigurado na ito lahat ay siyento-porsiyentong ayon sa tunay na nangyari. Maging mga historians ng mga libro ay hindi nagkakasundo sa mga naiulat ng isa't isa. Nasa atin na lang po ang pag-unawa niyan.

So wag na tayo magtaka kung bakit ganito ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas.
Tama ka po dyan. Ang bulok na sistema noon, na namana at tila ayaw baguhin pa rin ang masamang impluwensiyang umiiral pa rin hanggang ngayon. Matatalino pa naman sila pero bulag, pipi at bingi ang ating gobyerno sa ilang dekadang taong nakalipas. Alam nila, pero isinawalang-bahala na lang. 'Eka nga sa Ingles ay "as-is-where-is" he he. Ang kultura, kaugalian at kasaysayan ay dapat mahalin at di kalimutan, pero hindi nangangahulugang gayahin kahit pa mali at di angkop sa panahon at sitwasyon sa kasalukuyan. Ang tanong, "Kailan kaya tayo matututo?"
 
Nakalulungkot lang na malaman na ang kurapsiyon at kasakiman sa kapangyarihan ay naiugat sa atin. may nababasa ako na impluwensya ito ng mga sumakop sa atin (kastila, amerikano, hapon). noong panahon daw ng mga sultan at aeta walang ganyan nagsimula lang ng may sumakop. :cry:
 
totoo po ba yung isang matanda na nakakita na kung paano pinatay si heneral luna?

totoo po ba yung isang matanda na nakakita na kung paano pinatay si heneral luna?
 
Tandaan mo lang kabayan na ang kasaysayan nating nababasa, nariririnig at napapanood ay hango lamang sa mga inipong impormasyon ng mga ordinaryong tao na katulad natin. Bagaman mayroon silang kredibilidad o posisyon sa pagsalin nito sa ating isipan, hindi natin sigurado na ito lahat ay siyento-porsiyentong ayon sa tunay na nangyari. Maging mga historians ng mga libro ay hindi nagkakasundo sa mga naiulat ng isa't isa. Nasa atin na lang po ang pag-unawa niyan.

Trust, but verify. -Ronald Reagan
salamat kapatid..Ang Kasaysayan ay isang Sanaysay na kung saan tao ang may akda.
 
..Oo nga. Pag naisipan na lang bumibisita at iba kasi kinaabalahan ko sa ngayon. Nagbabasa na lang ako ng pm kapag naka-on yung PHC subscription.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top