1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia General Luna and Emilio Aguinaldo a Hero or Traitor?

Discussion in 'General Chat' started by mybl00dylungz, Sep 29, 2015.

  1. [​IMG]




    :cautious: Dahil sikat ang môviê na Heneral Luna pumutok sa Galit ang mga tao sa social media laban kay Emilio Aguinaldo lalo na mga kabataan. Siya lang naman 'daw' ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Antonio Luna at Andres Bonifacio. :bookworm:

    Namatay si Antonio Luna sa kamay ng mga sundalo ni Aguinaldo hindi lang basta sundalo kundi Special at Personal Bodyguard ni Aguinaldo. Ayon sa salaysay Pumunta si Luna (tatlo lang sila) para makipag-usap or argumento kay Aguinaldo pero ng malaman na wala siya nagalit 'daw' si Luna at pinagsasapak bodyguard niya (si Luna ay kinakatakutan kahit ng mga sundalong pinoy) at sa hindi malaman na dahilan nagkaputokan pinatay si Luna. Rason ng sundalo ni Aguinaldo self-Defense daw kasi galit na galit Luna tinutukan sila ng baril at inunahan na nila. Pero hindi maipaliwanag ng mga bodyguard ni Aguinaldo bakit 30 plus na bala at saksak tinamo ni Luna wakwak pa bituka (parang pinahirapan) at bakit - kung wala si Aguinaldo diba dapat kasama sila Bodyguard? Never inamin ni Aguinaldo pinapatay niya si Luna di tulad kay Bonifacio inamin niya at nagsisi sa ginawa. Pero alam niyo din ba ginawa ni LUNA bago ito nangyari?

    :whistle: Si Heneral Antonio Luna lang naman ang nagsumbong sa mga kastila kaya dinakip at binaril si Jose Rizal! Bago mangyari ito si Rizal pa ang nag mungkahi na si Luna ang gawing Heneral ng Hukbong Militar ng Pilipinas. (itoy dahil nag-aral sa Europa si Luna bilang sundalo sa sikat na Milatary School ibig sabihin Advance knowledge si Luna pagdating sa Military Tactics) Pero tumanggi ito si Antonio Luna. Hindi natin alam kung bakit pero kilala si Luna na Matapang, Mabangis, at Walang sinusunod kahit pa si Emilio Aguinaldo, Andres Bonifacio, at Jose Rizal. mayroon din siyang Private Army hindi mo alam kong ano din plano niya. Nang ipatapon si Rizal sa Cuba hindi pa dumadaong pinabalik na ang barko sa pilipinas at siyay pinabaril, ibig sabihin may nalaman pang dagdag impormasyon ang mga kastila kay Rizal o siniraan pa nga. - duda ko si Luna sumira kay Rizal. (n)


    Si Heneral Emilio Aguinaldo ay bata pa sa edad na 28 o 29 siya 'daw' ang unang Presidente ng Pilipinas. Pero hindi maalis sa isip ng mga tao ang pagkamatay o kung paano pinatay sila Bonifacio at Luna (parang mga baboy) sa kamay ng kanyang mga sundalo. :eek: Sa kanyang murang edad siguradong may mga Adviser siya at doon siya nakikinig. pwedeng sinuyo na rin siya ng mga Amerikano kaya nagawa niya iyon kay Luna at Bonifacio. Imbes na lumaban siya isinuko niya ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano , huli na ng malaman niya tunay na pakay ng bagong banyaga - patay na si Luna at Bonifacio. (n)



    :ROFLMAO: Ang masasabi ko lang iba sana ang nangyari kong nagsanib puwersa sila Aguinaldo, Bonifacio, at Luna. mas madami rin sana naitulong sakanila si Rizal at Mabini. Hindi mo rin maisisi lahat kay Aguinaldo baka gusto din niyang maiwasan ang malaking pagdanak ng dugo.


    Pero Sa huli aminin na natin 'Traidor ang Pilipino sa kapwa Pilipino.' maging si Apolinario Mabini hindi natin alam ang pakay sumang'ayon din siya na namatay si Luna. (Matalik silang Magkaibigan, Propesor ni Mabini si Luna noong nag-aaral siya.)


    :cautious: 'Huwag Basta Maniwala sa Pelikula' - Pera din pakay niyan. bow.
     
    Last edited: Sep 29, 2015
  2. walangmagawa

    walangmagawa Support Team Staff Member Support Team

    nice tol
     
    mybl00dylungz likes this.
  3. pagkakaalam ko may alitan si rizal at luna dahil sa babae
    di ko tanda name nung babae pero dahil dun nagkaron ng sama ng loob si luna ky rizal.

    dag dag ko lang naman (y)
     
    mybl00dylungz likes this.
  4. Oo nag suntokan sila sa Europe. pero wala na yun lasing lang si Luna. dito sa pinas naipit si Luna at nilaglag niya si Rizal na author ng Noli me tangere at El filibusterismo. at Questionable din bakit pinatapon na rizal sa Cuba pinabalik pa para patayin. dapat tulad siya kay Mabini ng sentinsya sa cuba tapon. (y)
     
    demonic0981 likes this.
  5. Thanks sa info.
     
  6. vhin le

    vhin le Honorary Poster Established

    Pwede ka ng maging propesor ng kasaysayan kaibigan.. Salamat sayong pgsasaliksik malamang maraming natuto sa lathala mong ito... (y)
     
    mybl00dylungz likes this.
  7. Tama ka riyan katoto. Basta isinapelikula, enhanced version na lang makikita natin - for entertainment only. Dapat talaga ay magsaliksik pa para maliwanagan sa ibang aspeto ng kwento ni Heneral. Kahit hindi natin makuha yung tunay na nangyari, yung buod man lang ay sapat na para maisalarawan ang kasaysayan.
    Masakit talagang isipin na namatay siya sa kamay ng kapwa Pilipino sa oras pa ng digmaan. Malaking katarantaduhan yan di ba, at sa kumbento pa ginawa, nak ng teteng? Nagpapatunay lang na walang pagkakaisa ang mga sandatahan natin at ang pamumuno ng gobyerno ni Aguinaldo. Watak-watak tayo sa panahon na iyon ayon na rin sa pansariling kadahilanan o layunin.
    Yung sinabi mo na nagsumbong si Antonio Luna sa Kastila kaya nadakip si Jose Rizal ay hindi pa tanggap ng ibang historians natin. Magagalit sa'yo si Please or Register to view links he he. Merong nagsasabi na dahil sa matinding torture ni Antonio Luna sa kulungan ay may nasabi siyang mga pahayag para maturo ang mga pasimuno ng Rebolusyon. Yung iba naman ay hindi raw ito totoo o walang matibay na ebidensya. Matalik na magkaibigan ang dalawa di ba? Para yang tsimis na bading daw si Mabini he he. Pero tama na sinabi mo rin ng maghanap pa ng kasagutan yung mga mambabasa.
    Sa tanong kung bayani ba si Antonio Luna o Emilio Aguinaldo (ayon sa criteria ng pagiging bayani ng Technical Committee of the National Heroes Committee noong June 3, 1993 - research nyo na lang), pasok silang parehas dahil na rin sa kanilang contribusyon sa paglaban sa kalayaan ng Pilipinas at ang impluwensya nila sa susunod na henerasyon, atbp. Yung pagigigng traydor ay ibang kuwento na he he.
    Eto ang totoo.
    May alam talaga si Aguinaldo maging ang kanyang kabinete (kasama na si Mabini) sa pagkamatay ni Antonio Luna - pati si Bonifacio. Siyempre, di nila aaminin di ba?...Put@ng-..na nila! Pulitika (para sa kapakanan daw ng bayan?) at kasakiman sa kapangyarihan ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng dalawa (Luna at Bonifacio). Sabihin na nating mahirap pakisamahan sila dahil sa kanilang malakas na pag-uugali, di makatarungan patayin sila sa ganoong paraan. Makatarungan pa ang firing squad sa panahon na iyon.
    Maraming makasaysayang ginawa si Aguinaldo sa panahon ng pananakop ng Kastila, Amerikano at Hapon. Ang ayaw ko lang talaga yung karumal-dumal na pagkamatay ni Luna at Bonifacio (at kanilang mga kasama) na kaya naman niyang pigilan kung gusto nya, kasama na dyan yung matinding pag-imbestiga noon (para patunayan na wala siyang kinalaman), at pati yung panggagahasa sa asawa ni Bonifacio (Gregoria de Jesus). Pwede nating sabihing traydor si Aguinaldo dahil sa kanyang pakikisama at pagtanggap sa pananakop ng Hapon. At siya ang tinaguriang kauna-unahang diktador na pangulo. Buti na lang at di siya nagtagal sa posisyon.
    Masarap basahin ang ating kasaysayan ng paulit-ulit. Makikita nyo yung ugnayan ng ating mga bayani at mga lihim na kuwento galing sa iba't-ibang manunulat. Sana, may gumawa pa ng ganitong klase ng pelikula sa Pilipinas ng mabigyan ng kaukulang impormasyon ang ating kabataan sa ngayon.
     
    mybl00dylungz and deram92 like this.
  8. deram92

    deram92 Addict Established

    pa tapak d2 boss, ito ang mga gusto kong topic. ehehe
     
  9. nice ts! (y) kahit mahaba gandang basahin . hehe .
     

  10. (y) Salamat Bossing sa dagdag kasaysayan. sana may mag post pa kasi mas ok at detalyado magbasa kaysa lecheng môviê parang Jack & Rose lang ng Titanic. may History pa na nagpakasarap yan si Aguinaldo sa Hong-kong gamit pera ng bansa! :cautious:
     
  11. matamataka

    matamataka Grasshopper Established

    dami pla pinapatay nyan ni aguinaldo mga bayani pa grabe ung bonifacio lng e at heneral luna sya ang my gawa ng pag patay matapang c aguinaldo dahil nsa cavite sya hnd nmn dumadayo para maki pag laban c bonifacio mski san mo dalhin lumalaban
     
    mybl00dylungz likes this.
  12. Nassassin

    Nassassin Journeyman Established

    Bat alam mo lahat to? Just asking :D
     
  13. Upper Class din pamumuhay at Grupo (Katipunan din 'Magdalo') ni Don Emilio Aguinaldo, while mga grupo ni Luna At Bonifacio Middle class at lower class. Ng malaman ng mga katipunero na pinatay si Bonifacio at Luna ng kapwa pilipino nawalan na sila ng gana nagkawatak-watak na. Masama loob ni Bonifacio kay Aguinaldo hindi nagpapadala ng 'reinforcement' madami namatay sa mga katipunero ni Bonifacio while Emilio masyadong playing safe (Mayaman na Duwag) lumaban yan ng siya nalang ang Heneral patay na mga Bayani. American-Japanese War wala na or kunti na mga katipunero naging mga 'Guerrilla'. Makulay ang History natin worth it na basahin. (y)
     
    Last edited: Oct 8, 2015
  14. ladron allan

    ladron allan Addict Established

    ayos marami akong na tutunan d2 (y)
     
  15. :DAng isa sa malaking kontrobersiya nga ay yung alitan ni Aguinaldo at Bonifacio tulad ng sinabi mo. Mahabang kwento yan he he. Dapat nga ay si Andres Bonifacio ang kinikilalang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas dahil siya ang isa sa mga nagtayo Katipunan,(ang gobyerno nito) na nagsimula sa rebolusyon laban sa mga Kastila simula pa noong 1892 - kasama rin si Rizal at iba pang grupo hanggang Espana. Kaya nga siya yung kinikilalalang Supremo ng samahan noong panhon na iyon. Actually, sikretong "Reform Movement" lang sila noon na dinadaan lamang sa panunulat at propaganda.
    Sumibol lang itong si Aguinaldo noong 1896 (na panahon ng full-blown revolution na) dahil sa marami nyang pagkapanalo sa iba't ibang pagsalakay sa mga Kastila. (Samantala naman, nang panahon na iyan, ay medyo talunan si Bonifacio kapag siya ang namumuno ng mga pagsalakay he he). Marami pang side stories dito. Maintriga talagang basahan yung mga iba pang pangyayari.
    Blessing in disguise nga itong pagsikat ng pelikulang Heneral Luna at nanumbalik yung pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas. Kakaunti lang yung laman ng pelikula kung tutuusin he he. Para ka lang nagbasa ng ilang minuto sa Wikipedia he he. Kaya mas maganda talaga magbasa pa ng karagdagan ng maliwanagan. Marami rin na-revised sa history books natin kaya dapat lang ulitin. Kailangan talaga umpisahan na yung Filipiknow method ng malaman ang iba't ibang istorya sa ating kasaysayan at maling paniniwala.
    Ngayong may net na, napakadali na magbasa ng kung anu-ano.
    Yung mga anak ko nga, sinubukan kong tanungin tungkol kay Antonio Luna at assumed ko na itinuro ito sa school, pero walang alam kundi heneral, kapatid ni Juan Luna at bayani daw siya :ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO: - yon lang. Susmaryosep! Tumama naman he he.
    Mahalaga talaga na magbasa ng lumawak ang isipan natin sa mga pangyayari noon na may relasyon sa kasalukuyan.
     
    mybl00dylungz likes this.
  16. :LOL: Mas kilala nga si Juan Luna kaysa kay Heneral Luna. Si Juan Luna yan yata yung pinatay niya asawa niya at manugang sa europa.


    :ROFLMAO: May nababasa din ako na mahina tactics ni Bonifacio at walang naipanalo na laban. Sumikat siya nung tagumpay niyang nawasak storage ng mga armas ng kastila. o_O Well sa tingin ko wala lang sapat na armas si Bonifacio while Aguinaldo aside sa nakapag aral ng maayos at rich kid pa hehehe:yuck::greedy:
     
  17. Talaga nataon ng tadhana na halos lahat ng laban ni Aguinaldo ay panalo sa mismong lugar niya na sinasakupan - Cavite at katabing lalawigan. At sinabi mo pa, well-funded si Aguinaldo at mayamang lugar yang Cavite noon.

    Nataon lang siguro yung mga lugar na susugurin ni Bonifacio ay mas mahirap kaysa sa kanyang mga inatasang heneral o namumuno ng pagsalakay. Dahil sa panahon na iyon ay wala namang net,cell phone at telebisyon kundi balita mula sa bibig (tsismis), sulat at piling pahayagan. Mas nagiging musika sa pandinig ng mga tao yung nananalo sa kalaban di ba at di na nila nalalaman yung buong kuwento kung bakit natalo ka naman? Puna ko lang ito bosing ng magka-pogi points si Bonifacio he he! Idol ko rin naman siya he he.

    Si Bonifacio naman ay napakalaki ng sinasakupan at napakarami pa ang liblib na lugar sa Luzon. Bukod pa roon ay limitado ang kanilang armas at suporta ng mga ilustrados. Di ba tinuloy pa rin ni Bonifacio yung Himagsikan noong 1896 kahit walang basbas naman ni Rizal ng bumisita si Pio del Pilar sa kanya? Ang isa sa malaking dahilan kaya ayaw ni Rizal ng Himagsikan ay kulang pa ng pondo upang labanan ang mga Kastila. Nagalit nga si Bonfacio at gusto niyang ilihim ito pero inilabas pa rin ni Pio ang balita sa sa mga kasamahan. Yung mga mayayamang supporters ng Katipunan ay nagsiurong na dahil hindi nga payag si Rizal sa pagkakaroon ng Himagsikan - arms struggle against Spain. Malaki ang impluwensiya ni Rizal sa samahan. Dito nagsimula yoong pagwatak-watak ng orihinal nilang grupo. Kaya ang grupo ni Bonifacio ay hindi well-funded sa pakikipaglaban noong simula pa ng Himagsikan - 1896. Kaya nga nagtangka silang humingi ng pondo sa Japan na sa panahon na iyon ay anti-European! Pero di rin natuloy dahil walang pondo. (Natupad lang iyon ng nakipagdigma naman tayo during the Phil-American War, ng natalo ng Amerikano ang mga Kastila.)

    Kahit matagal na ang Katipunan noong 1892 pa, at kinikilalang Supremo si Bonifacio, yoong umpisa ng Himagsikan at sunud-sunod na sagupaan na sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas noong 1896 ang nagbago sa tadhana ni Bonifacio, maging si Aguinaldo......(Ang dami sa opisyales ni Bonifacio ang tumiwalag sa kanya pagkatapos ng pagbisita kay Rizal....nasan na si Pio del Pilar, di ba umanib kay Aguinaldo? (as an example). Yung kanyang mga malalapit na heneral kasama na si Gen. Artemio Ricarte na isang solid nationalist ay tumiwalag din. Isipin mo noong sa Tejeros Convention, mas maraming Magdiwang na dumalo kaysa sa Magdalo ni Aguinaldo, pero natalo pa rin si Bonifacio sa eleksyon. Ang ibig lang sabihin ay marami na sa samahan ng Katipunan na hindi sang-ayon sa pamumuno ni Bonifacio.)
    Ang isa pa, noong pumutok ang Himagsikan at nag-plano siyang sugurin ang Manila, kulang talaga si Bonifacio sa tamang komunikasyon kaya pumalpak lahat ng plano niya (Philippine Revolution) sa malawakang pakikidigma. Mahirap mamuno sa mga grupo na di ka sigurado kung susundin ka o hindi. Medyo hilaw pa at walang pagkakaisa yung samahan ng mga naghihimagsik at walang kasiguruhan sa pagsunod sa utos o pagkilala sa pamumuno ni Bonifacio, maging sa pag-aklas/digmaan laban sa mg Kastila. Hindi lahat ay kontrolado ni Bonifacio.

    Kumbaga rin, puro "alab ng puso" si Bonifacio (utos dito, utos doon), at si Aguinaldo naman ay nauuna yung "pogi points", "deadma muna", at "Filipino time" kung dumating, kaya na-late siguro sa labanan he he...di agad nasugod ng malaking puwersa ang Intramuros habang walang reinforecements yung lugar - biro lang he he. Ang hindi pagdating ng mga Cavitenos sa labanan ang malaking dahilan kaya pumalpak ang planong pagsalakay ni Bonifacio sa Manila, at nasira rin ang pangalan niya sa karamihan....
    (Pahabol tips...Para malaman pala ng iba, si Bonifacio ay pangatlong lamang namuno ng Katipunan. Una si Deodato Arellano at pangalawa si Roman Basa(y). Siya ang unang tinawag na Supremo - galing na rin sa kanyang selfie hashtag he he!)
     
    mybl00dylungz likes this.
  18. (y) Oo bossing nabasa ko rin yun na padalos-dalos si Bonifacio puro tapang daw. Alam ni Rizal kung gaano kalakas mga kastila, never naman nakisalamuha si bonifacio sa mga matataas na opisyal ng espanya dahil lower class pamumuhay niya. (y) Sayang lang kung nagkaisa silang lahat eh di sana 'The Avengers'. :ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO:
     
Tags / Keywords: