1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

FULL TEXT Int'l tribunal announcement of ruling in PHL case vs. China

Discussion in 'Politics & Current Events' started by capslocked, Jul 13, 2016.

  1. Last edited: Jul 13, 2016
    N1ghtmare likes this.
  2. Medyo dito din natin makikita kung papaano ang diskarteng gagawin ng panibagong Administrasyon para i resolve ng mapayapa ang issue sa agawan na yan. Medyo pressure yan i think. :D
     
    capslocked likes this.
  3. tama tol pero ewan kung papansinin to ng China :D alam mo naman government nila ang kapal saka bully. Think positive na lang tayo na may mangayayaring maganda :LOL:
     
  4. khloe

    khloe Enthusiast Established

    Katamad basahin yung ganyan kahaba:p
     
    capslocked likes this.
  5. cheese

    cheese Addict Established

    salamat dito boss,(y) pero kahit wagi tayo hindi daw kikilalanin ng china un resulta dahil un historical map nila un susundin nila tapos sila pa daw un inabuso:cautious:
     
    capslocked likes this.
  6. Sana nga Tol caps, hoping na lang na igalang naman kahit papaano ng China ang desisyon na yan kahit na alam natin na napakalaking hambog ang Bansa na yun. malaking kawalan din kasi sa atin kung patuloy na ma occupied at gumawa ng kung ano-anong artificial islands na nakakatakot isipin na para sa base Militar ang purpose. Tapos ang claim na pinanghahawakan lang naman is yung historical 9 dash line daw na tanging sila-sila lang naman nakakaalam. In fact laki din kasi ng nawala sa atin start noong nagsimula na yung obvious na pagiging bully nila na ayaw tayo palapitin at makinabang sa likas-yaman sa mismong sariling atin na karagatan. billion daw ayon sa news ang nawawala sa kita natin.
     
  7. khloe

    khloe Enthusiast Established

    Biological weapon lang katapat ng china. Besides, kung magmatigas yan at maging aggressive, i don't think papayag ang western countries. We are strategically located sa Southeast Asia para sa mga yan kaya di nila tayo papabayaan. Kita nyo kahit pinaalis na ang Military bases ng US dito, meron pa ding mga visiting forces agreement sila sa tin na di na nga masyadong binabalita.
     
  8. If am not mistaken nuung time daw ni Marcos di tayo gaanu binubully ng China sa territory na yan. Tama ka tol malaki talaga mawawala at nawala ng Pinas sa pagstay ng China dyan, example na lang yung mga mangingisda lang natin na di sila makapangisda dyan kumbaga sa kanta ng Kamikazee ay "hanggang tingin" lang sila. Then alam naman natin na mhihilig din mga yan sa mga 'exotics' baka inubos na din nila pati mga coral reef dyan. Ang isa pa sa pinaka mission nila dyan is yung langis dyan. Secretly napakalaki daw ng reserve dyan ng oil. well sadly sila nauna, kung nuun pa man na explore na yan ng government natin baka may nakuha pa tayo, sighs :(
     
    cheese likes this.
  9. sa totoo lang para tayong nag iisang kuting na lumalaban sa tigre Khloe. Nagpapakitang tao lang ang US. bakit nila lalabanan ang China eh may utang sila dyan na umabot na ata ng trillion dollar kung di ako nagkakamali. The reason lang na nagpapadala sila ng force dito sa atin aya para lang mapangalagaan ang mga idinadaan sa international waters na mga supply saka kung anu man ang idanadaan dyan papunta at galing sa america. Ang ilang Pinoy din medyo kampante kasi andyan sila. Hindi sila magpapakamatay para lang sa atin and take note War is the business of America.
     
  10. Yup, mas doble or triple or mas malaki pa sa Malampaya ang pwedeng makuhang deposito ng langis diyan kaya talagang interesado ang mga Intsik diyan plus yung isdang Mameng na endangered na (i think may batas ata sa atin na bawal na yun hulihin kasamahan ng pawikan) inaabot ata kasi sa hundreds or thousand usd yun sa black market. Problema kasi sa Government natin medyo napabayaan ata ang issue na yan noong una kaya kung kelan medyo conflict na doon pa lang naalarma at gumagawa ng action samantalang noong kasalukuyan isla na under ng vietnam pa lang ang unang sinasakop ng china sa tinatawag nga nilang 9 dash line na yan naging handa na sana tayo dahil posible talaga na yung sa atin naman ang isusunod at nagkatotoo nga (actually more or less 80 Vietnamese soldiers ang namatay doon dahil sa pagiging agresibo ng bully na China na yan).
     
    capslocked likes this.
  11. terrazo

    terrazo Addict Established

    Isang malaking sampal ito sa China.. pero ano pa nga ba i-eexpect natin? baliktad naman mga utak ng mga chinese na yan. Kahit maling mali na sila sa paningin ng iba, pinipilit parin nila na sa kanila yung buong dagat. Greedy masyado. Wala namang iginagalang na international law ang China kasi tingin nila, makapangyarihan sila sa lahat. Ang nakakabahala lang, may nabasa akong article na nagkakaroon na ng mga alyansa. China, Saudi and Russia, magkakakampi na. Then Philippines, ASEAN, Japan, US, plus other western countries naman.. Mukhang magkakaroon ng WW3.. Sana huwag naman.
     
    capslocked likes this.
  12. China is making things crazy as time goes by....
     
Tags / Keywords: