1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Foor-E-beer

Discussion in 'Love' started by Jeanh, Nov 26, 2015.

  1. Wag mong sasabihing wala kang karapatan kasi hindi kayo. The point is, meron kang karapatan kaso hindi mo pwedeng ipaglaban




    May mga bagay na ayaw mo ng ituloy pero takot kang sumuko. Yun bang ayaw mo ng umasa pero gusto mo pa din maghintay


    Balang araw, pagsisisihan mong pinakawalan mo yung tulad niya. Habang siya, masaya na sa piling ng iba.


    Mahal nyo yung isa't-isa pero hindi pwede kasi may masasaktang iba.



    Ang pinakamahirap na karibal sa pag-ibig ay hindi yung mga malalanding nakapaligid sa kanya, kundi yung minahal niya ng sobra bago ka.


    TANDAAN: Mas mataas ang utak kaysa sa puso. Kaya kailangan most of the time, utak ang gagamitin natin.


    "Para hindi ka mahulog, kumapit ka sa akin ng mabuti. The tighter the better."
    Ang sarap pakinggan pero hindi mo alam kung ito ba ay katotohanan o isa lang pa lang kasinungalingan. dahil dadating din yung panahon na ika'y kanyang bibitawan.



    Yung lalaking kahit kayo na, araw-araw ka paring liligawan lalo na kapag hindi maganda ang mood mo.


    Kapag sinaktan ka nya at iniwan, wag mong kakalimutang nandito parin ako handang sumalo sayo dahil nagpapakatanga parin sayo..



    Hindi lahat ng tao, deserving ng second chance lalo na kung paulit-ulit na lang at maraming beses na ang naibigay mong chance sa taong iyon.


    Binibigay ang SECOND CHANCE para itama ang iyong mga kasalanang nagawa. Wag mong sayangin ang pangalawang pagkakataon na ibibigay sayo. Tandaan mo na ang hirap magbigay ng PAGKAKATAON at TIWALA lalo na't nasaktan mo sya ng sobra. Mahalin mo sya na parang wala ng bukas. Ialay mo sa kanya ang bawat araw na gigising ka at bawat segundong humihinga ka. Pasayahin mo sya. Huwag mo syang bibigyan ng sama ng loob at ng dahilan para umiyak sya. Ganyan ang tamang pagpapakita na worth it ang second chance na hiningi mo at ibinigay sayo.


    Sa panahon ngayon, gadgets na ang iniingatan at feelings na ang pinaglalaruan.


    Yun bang naiiyak ka sa twing naririnig ang themesong niyong dalawa noon. Lahat ng happy moments naaalala mo. Lahat ng pagsubok na kinaya niyo. Ngunit ngayon ang lahat ay bigla nalang nagbago. Na kahit anong gawin o isipin mo, wala na talagang kayo



    Pagmamahal, unawa at tiwala ang kailangan, upang makamit ang pag-iibigan na walang hanggan.
     
  2. EARZE

    EARZE PHC Contributor Established

    thanks for sharing boss.. (y)
     
Tags / Keywords: