1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia eucalyptus

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang eucalyptus tumutubo sa maraming lugar sa bansa, particular sa matataas na lugar gaya ng Baguio. Ang puno nito ay tumutubo ng mataas, at ang kahoy nito ay may mala-abong kulay. Regular na nagtutuklap ng balat ng kahoy at lumalabas ang panloob na maputing kahoy. Mayroon din itong bulaklak, at prutas na maliliit at mabibilog. Ang dahon naman ay pahaba at patulis. Kilala ang halamang ito na pinagkukunan ng langis na maaaring gamitin sa paggawa (industrial oil), pabango, at panggagamot .
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA EUCALYPTUS?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang eucalyptus ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang puno ng eucalyptus ay pinagkukunan ng volatile oil na cineol, d-alpha pinene, camphene, fenchene, butyric at caprionic aldehydes, ethyl at iso-amyl alcohols, acetic acid, cymol, sesquiterpene, eudesmos, 1-pinocarveo.
    Ang mga langis na nakukuha sa halamang ito ay may ilang uri din gaya ng eucalytol at cineol na ginagamit sa paggagamot, terpenes na ginagami naman sa industriya, at ilan pang langis na may mababangong amoy.
    Makukuhanan din ng taxifolin at eriodictyol ang mga dahon, sanga, at balat ng kahoy nito.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang dahon ng eucalyptus ay karaniwang pinatutuyo at pinakukuluan upang mainom nang parang tsaa. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang mga kondisyon sa katawan.
    Langis. Ang langis na nakukuha naman sa maraming parte ng halaman ay maaaring ihalo sa tubig at inumin o kaya ay ipahid sa balat at ipang hilot.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG EUCALYPTUS?
    1. Sugat. Ginagamit ang dinikdik na dahon ng eucalyptus upang ipantapal sa mga sugat sa katawan upang maghilom nang mas mabilis. Maaari ding hugasan ang sugat gamit ang pinaglagaan ng dahon para sa kaparehong epekto.
    2. Hika. Para sa kondisyon ng hika, maaaring inumin ang maligamgam na tubig na hinaluan ng 2 patak ng purong langis ng eucalyptus. Maaari ding uminom ng tsaa ng dahon ng halamang ito.
    3. Ubo. Kapareho din ng paggagamot sa hika, maaaring inumin ang maligamgam na pinatakan ng purong langis ng eucalyptus o kaya ay uminom ng tsaa ng dahon nito.
    4. Mabahong amoy ng katawan (body odor). Makatutulong ang paglalagay ng dinikdik na dahon ng eucalyptus sa katawan, partikular sa kilikili upang maalis ang hindi kanais-nais sa amoy.
    5. Whooping cough o pertussis. Ang pagakakaroon ng sakit na pertussis ay maaaring magamot ng pag-inom sa 2 patak ng purong langis ng eucalyptus na hinalo sa maligamgam na tubig.
    6. Lagnat. Nakakababa din ng lagnat ang pag-inom sa tsaa ng dahon ng eucalyptus.
    7. Malaria. Nakapagpapabuti ng pakiramdam ng taong may sakit na malaria ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng eucalyptus.
    8. Pagtatae. Maaaring maibsan a ng pakiramdam ng pagtatae sa tulong ng pag-inom sa tsaa ng dahon ng eucalyptus.
    9. Diabetes. Ang pag-inom sa tsaa ng dahon ng eucalyptus ay may bisa laban sakit na diabetes.
    10. Sinusitis. Para sa matinding pagbabara ng ilong, pinalalanghap ng usok mula sa pinakuluang dahon ng eucalyptus upang bumuti ang pakiramdam.
     
Tags / Keywords: