1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

COUNTING CALORIES: PAANO MAGPAPAYAT?

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Jan 25, 2016.

  1. COUNTING CALORIES: PAANO MAGPAPAYAT?

    Ang calorie ay unit of energy. Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay tumataba o pumapayat. Pero may isang simpleng equation para sa timbang o weight patungkol sa calories.

    Calories IN na mas higit sa calories OUT at tataba ka. Calories IN na mas konti sa calories OUT at papayat ka.

    Ibig sabihin kung mas maraming kinakain (more calories) kaysa sa natutunaw sa pagehersisyo o pagkilos, ito ay nakakataba. Kung mas mas maraming ehersisyo kaysa sa kinakain, ito ay nakakapayat.

    Para makabawas ng ONE POUND sa bawat LINGGO, dapat magbawas ng 500 CALORIES sa bawat ARAW. Mas maganda kung magsusulat ka ng food diary. Ilista ang mga kinakain. Alamin kung aling mga pagkain ang puwedeng ibawas para makuha yung 500 calories deficit na kailangan para pumayat.

    Halimbawa, umiinom ka ba ng softdrinks sa bawat kain? Ang isang regular softdrink in can ay 140 calories. Kung umiinom ka ng tatlo nito sa bawat araw – 140 x 3 = 420 calories na kaagad ang puwedeng mabawas kung tubig na lang ang iinomin. Chocolate kisses na nasa larawan? 22 calories ang isa. Kung kumakain ka ng lima – 22 x 5 = 110 calories na rin yun.

    Higit na mas siksik sa calories ang mga pagkaing may fat or taba kumpara sa carbohydrates. Halimbawa ang isang gram ng carbohydrate ay may 4 calories. Samantalang ang isang gram ng mamantikang pagkain ay may 9 calories. Kaya nakakapayat din kung magbabawas ng mamantikang pagkain.

    Gusto mo bang pumayat? Eat less at exercise pa more!
     
  2. nasubukan ko na tong counting calories. hahha hirap din yan . :hilarious:
     
  3. much better jogging papalayo sa kusina..ako kasi pag nag jogging steady lang sa tabi ng kusina habang nagluluto ng pagkain :hilarious::hilarious:
     
  4. mas higit na mahirap yang jogging palayo sa kusina . :LOL: nakakatukso pag naamoy muna ang nilulutong ulam ni inay . :hilarious:
     
  5. sinabi mo pa..tas andameng stocks ng food sa drawer na tapat ng kalan
     
  6. salamat DOC este TS pala
     
  7. queencee

    queencee Forum Expert Established

    Thanks for sharing this:)
     
Tags / Keywords: