1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia CITRONELLA

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    CITRONELLA
    KAALAMAN TUNGKOL SA CITRONELLA BILANG HALAMANG GAMOT
    Scientific name: Cymbopogon winterianus Jowitt ex Bor
    Common name: Citronella (Ingles)

    Ang citronella ay kilalang halaman na may anyong damo. Ito ay may angking amoy na ginagamit sa maraming bagay gaya ng pampabango, pampalasa at pantaboy sa lamok. Ito ay itinatanim sa maraming lugar sa Pilipinas partikular sa Baguio at pinoproseso upang makuha ang langis nito.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA CITRONELLA?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang basil ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang mga pangunahing langis na nakukuha sa halamang ito ay geraniol, citronellal at citronellol
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang mabangong dahon ng citronella ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit sa iba’t ibang mga bagay kabilang na ang paggagamot.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG CITRONELLA?
    1. Altapresyon. Ang langis ng citronella ay epektibo din sa pagpapababa ng mataas na presyon ng dugo.
    2. Kagat ng lamok. Pinakakilala ang citronella bilang pangontra sa lamok. Dahil dito, makatutulong ito nang malaki sa pag-iwas sa posibilidad na pagkakaroon ng mga sakit na konektado sa kagat ng lamok gaya ng dengue at malaria. Ginagamit na pampahid sa balat ang langis ng citronella para dito.
    3. Pagkokombulsyon. Ginagamit naman ang pinaglagaan ng dahon ng citronella bilang pangontra sa pagkokombulsyon o panginginig ng mga kalamnan.
     
Tags / Keywords: