1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial Basic Programming using C++ ----- Introduction(Hello world)

Discussion in 'Coding, Programming' started by fazz12, Mar 6, 2015.

  1. fazz12

    fazz12 Addict Established

    Intro: hello po mga ka PH! gusto ko po magstart ng tutorial post dito about sa basics ng programming. hahatiin ko po ang mga lessons into several posts para hindi po masyadong mahaba. ang goal po natin ay para makatulong sa mga gustong matuto magprogram, saka para hindi na magpunta pa sa mga external site ang mga kaPH natin para lang matuto ng basic programming. take note lang po na HINDI po ako PRO pero gusto ko ishare kung ano ang mga natutunan ko so far sa programming. taglish po ang gagamitin kong language para mas madaling maintindihan ng ating mga kaPH. with those said mapapansin nyo na informal ang aking approach. sige wala nang paligoy ligoy pa,


    START NA PO TAYO! :D

    feel free to correct me pag may mali po ako. salamat.

    ang gagamitin ko po ditong IDE (Integrated Development Environment - eto yung software kung san kayo magcocode at gagawa ng program) ay Visual Studio 2010. alternative na pwedeng gamiting IDE ay visual c++ 6.0, visual studio 2008, 2012, dev c++ , at code::blocks.

    1. open visual studio 2010. sa menu click File -> New ->Project. tapos hanapin sa templates yung C++, hindi yan mahirap hanapin. iclick yung Win32 -> lagyan ng name yung Name, isave kung sang directory nyo gusto yung project, the click Win32 Console Application.

    upload_2015-3-6_1-25-17.png


    pag lumabas to, iclick lang yung finish

    upload_2015-3-6_1-26-49.png

    then mapupunta kayo dito.

    upload_2015-3-6_1-29-21.png

    pwede nyo gamitin na mismo yang mga templated codes na yan, pero ako pinalitan ko nito

    //una kong program

    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] "stdafx.h"
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <iostream>
    using namespace std;

    int main()
    {
    cout<<"Hello World";
    return 0;
    }

    press yung F5 para mag build. tapos iclick yung yes.

    makikita na bubukas lang saglit yung console window (yung may black screen) tapos mag cclose ulit.

    para po magstay yung window sa screen, gawing ganto ang code:

    //una kong program

    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] "stdafx.h"
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <iostream>
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <cstdlib>
    using namespace std;

    int main()
    {
    cout<<"Hello World"<<endl;
    system("pause");
    return 0;
    }
    eto na ngayon ang result:

    upload_2015-3-6_1-50-44.png

    explanation:
    ang mahalaga lang pong malaman muna sa ngayon ay yung lahat ng nasa loob ng function main(), mula '{' hanggang '}'. ang unang line na nasa loob, yung

    cout<<"Hello World"<<endl;

    ang ibig sabihin yan iprint or i-output or isulat sa screen yung nasa loob ng quotation marks, which is yung "Hello World". yung "<<endl" naman, ang ibig sabihin ay:

    ang mga susunod na ipprint ay ipprint sa next line, kumbaga nagsisignal syang narating na yung "end line", kaya kung may ipprint pang ibang text, sa susunod na linya na sila ipprint.
    ang

    system("pause");

    naman, ang ibig sabihin ay ipause muna ang program at wag munang ituloy yung execution o pagbasa pa ng ibang codes. ang default na behavior nito ay hintayin ang user na magpress ng kahit anong key sa keyboard bago ipagpatuloy ang pag execute ng mga susunod pang codes.

    finally, ang

    return 0;

    ang "int" sa return main ay yung data type na dapat ibalik ng isang function. since ang main ay isang function, at ang 0 (zero, not capital O) ay integer, yun ang irereturn nyang value. later on ididiscuss din natin ang mga data types.


    iba pang line of codes:
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] "stdafx.h"
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <iostream>
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <cstdlib>

    eto po ay mga preprocessor directives. basically sila yung dahilan kung bakit "kilala" ng computer na may code palang such as "cout" at "system" sa c++. mejo advanced topic na yan so later na lang silang dapat idiscuss.

    yung using namespace std; ay ganun din, advanced. ang namespace ay isang container ng iba pang code definitions. ibig sabihin sakop ng namespace na std ang code na "cout".
    kung wala yung line na
    using namespace std;

    ang magiging tamang pagcode sa cout ay gaya nito:

    std::cout<<"Hello World";

    last, yung

    //una kong program

    ay tinatawag na comment.
    mejo cryptic po kasi ang mga programming language. kahit may mga nakahalong english words pa sa codes mo, hindi mo maiintindihan agad ang mga codes kung basta mo lang babasahin, especially pag mahaba na yung source codes makakalimutan mo na halos lahat ng ginagawa nila. ang comment ang paraan ng pag iiwan ng remark sa isang particular line or block of codes. para alam mo kung anong ginagawa ng isang code, lagyan mo sya ng comment. hindi pinapansin ng compiler ng c++ yung comments, so pwede mo yan ilagay kahit saang part ng source code mo.

    may dalawang klase ng comments sa c++, una yung inadopt nya mula sa c programming language like this:

    /*
    multiline comment
    eto yung comment na kahit ilang line pwede
    */


    as long as nasa pagitan ng /* at */ ang mga text na tinatype mo, considered yan as comments at hindi papansinin ng compiler.

    next yung

    //end line comment

    eto po yung comment na nasa dulo ng line of code.
    for example:

    cout<<"hey jay"; //iprint ang "hey jay" sa screen.

    mula cout hanggang ; lang ang babasahin ng compiler. mula // pakanan, dededmahin na ng compiler yan.

    ang practice ng "pagccomment out" ng codes ay ginagamit sa pagdedebug. kapag ang isa o higit pang line of codes ay pinaghihinalaan mong sanhi ng bug or error sa code mo, best na icomment out mo muna sila para maitest kung lalabas pa din ba yung error sa codes mo.

    example:
    kapag ginawa mong ganto ang code na nilagay ko kanina sa taas:

    //cout<<"hey jay";

    hindi na sya babasahin ng compiler kasi naging comment na sya.

    btw ang compiler para mas madaling maintindihan sya po yung program na "bumabasa" sa mga source codes na ginawa ng nagcode. kapag walang mali sa code, gagawin na syang executable program para maging runnable na ang code mo. usually bago irun pwedeng dumaan muna sa compiler, interpreter at linker ang code mo depende sa IDE na gagamitin mo.

    thanks to sir DarkCore.CoreSecDarkCore.CoreSec for this idea of sharing programming tutorials


    para po sa iba pang common knowledge na pwede mong tandaan about basic programming, please see this post:

    Please or Register to view links

    anjan po yung ibang hindi ko nadiscuss dito about sa basics ng programming.
    also helpful tong post ni boss DarkCore.CoreSecDarkCore.CoreSec about additional knowledge sa basics:

    Please or Register to view links
     
    Last edited: Mar 6, 2015
  2. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    Pwede rin ganitong code.

    // my first program in C++
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <iostream> // This is our preprocessor

    int main() // declaration of function
    { // Indicates the beginning of main's function defenition
    std::cout << "Hello World!"; // C++ statement
    }

    or

    int main () { std::cout << "Hello World!"; } // Wala yang pinagkaiba na nasa itaas.



    Nice tutorial :) ask any question bro para ma-guide din kita (y)
     
    Last edited: Mar 6, 2015
  3. fazz12

    fazz12 Addict Established


    ah yah nakalimutan kong imention na pwede nga lahat in one line of code.
     
    Last edited: Mar 6, 2015
  4. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    (y) /message Short
     
  5. wow gusto koto gusto kung matutunan :)
     
  6. brow my website ka bang makukunan ng source code ,, baka my naka save ka na program dyan pa share,, ,
     
  7. sir san po yung sunod dito? maraming salamat
     
  8. thanks for sharing sir
     
  9. Guato kong matuto niyan! salamat Sir!
     
  10. dinzky0307

    dinzky0307 Enthusiast Established

    Thanks for sharing..basic lang knowledge q sa c++ ..hehe C# here
     
  11. lorc4n

    lorc4n Addict Established

    i like this....bukod sa <iostream> meron pa bang iba
     
  12. dinzky0307

    dinzky0307 Enthusiast Established

    Meron pa ka phc..dami nyan
     
    lorc4n likes this.
  13. lorc4n

    lorc4n Addict Established

    ganun po ba.,sige sir search ko muna yung iba, tsaka ko mag ask dito ...salamat sa thread na to, malaking tulong to..
     
  14. mas malinaw ito ito iyong hinahanap ko salamat naman sayo..
     
  15. lorc4n

    lorc4n Addict Established

    kasama ba yung [HASTAG][/HASTAG]?
     
  16. dinzky0307

    dinzky0307 Enthusiast Established

    Hindi
     
  17. Ms Extraordinary

    Ms Extraordinary PHC Master Established

    Top Poster Of Month