1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial Basic Programming using C++ ----- 01 Variables, Data Types

Discussion in 'Coding, Programming' started by fazz12, Mar 6, 2015.

  1. fazz12

    fazz12 Addict Established

    Hello po mga ka PHC, ang part ng tutorial na ito ay tungkol sa variables.

    variable po ang nagsisilbing "containers" ng mga data sa program mo.

    eto po ang syntax ng pagdeclare ng variable:

    [data type] variable_name;

    ss1.png

    imaginin mo na ang bawat box na yan ay memory space sa computer mo.
    kapag nagdeclare ka ng variable gaya nito:

    int x;

    magreeserba na yung computer mo ng space para sa variable na x gaya nito:
    ss2.png


    ganto naman ang pag lalagay ng value sa isang variable.

    x=1;
    so pag nilagyan na ng value yung variable:

    ss3.png
    nakastore na yung value na 1 sa "container" memory nyang ang name ay x.

    ibig sabihin everytime na ilalagay mo ang x sa mga susunod mong codes, ang basa sa kanya instead ng computer ay 1, unless palitan mo yung value nya later on.

    data type

    ang data type yung mga int, long, float, double, char, bool, string at iba pa.
    data type po yung nagsasabi kung anung klaseng variable ang iistore mo sa memory(ng computer).
    usually:

    ang int at long ang ginagamit sa pag istore ng mga whole numbers
    kaya naman nahati yun sa int at long, ang int (sa visual studio 2010) ay pwedeng mag store ng value from -2,147,483,648 to 2,147,483,647. kung mas greater na number ang iistore mo, gamitin mo ang long instead.
    again, depende sa IDE na ginamit ng programmer ang range ng values ng bawat data type.

    ang float at double naman ay para sa mga fractional/decimal numbers, like 10.5.
    mas precise ang double kaysa float, ang kaso mas malaking memory ang inooccupy ng double sa RAM compared sa float. same applies sa long compared to int.

    ang char ay ginagamit upang mag store ng single characters or symbols like 'C' or 'a'. kung more than one letter/character, use string instead: like "hello world".


    ang bool ang pinakasimple yet isa sa pinaka powerful na data type sa lahat. ang laman lang na value nito ay true or false. ginagamit ito madalas sa comparison.

    ang tawag sa paglalagay ng value sa isang variable ay assignment or pag aassign.

    ano ang pinagkaiba ng pagdedeclare sa pa iinitialize?

    pagddeclare:
    int x; //pag rereserba ng memory para sa isang variable
    pag iinitialize: declare + assign
    int x=5; //pag rereserba ng memory sa isang variable, sabay pag aassign ng initial value
    simple diba?;)


    rules sa names ng variables
    pwedeng gamitin ang small or capital letters.

    int iq;
    int KKK;
    int fLoRiDA;

    kapag numbers, kailangan mauna muna ang letters
    sample code:

    float fazz12;

    bawal ang symbols, pwera ang underscore

    bool _isEating;
    int final_score;

    also hindi din pwedeng gamiting variable names ang mga keywords ng C++ gaya ng int, string, bool, for, if, else, break, true, false, long, switch at madami pang iba. kung sa mga IDE gaya ng visual studio 2010 ka nagcocode at hindi sa notepad, malalaman mong keywords na ang tinatype mo dahil usually nag iiba ang kulay ng font ng text na tinatype mo sa screen. may mga special meaning po sila sa C++ at hindi pwedeng gamiting variable unless ibahin mo ang kanilang letter-casing like INT, tRue, iF, although hindi pa din sila practical gamitin.

    hindi din po pwede na mag assign ng maling value sa maling variable just like ang mug ay para sa kape, ang glass ay para sa juice (or softdrinks :p)

    finally, sample code:

    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] "stdafx.h"
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <iostream>
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <cstdlib>
    using namespace std;

    int main()
    {
    int x=3;
    float y= 3.5;



    cout<<"may "<<x <<" lalaki na hinahabol ng isang manananggal. ilan sila lahat?";
    cout<<endl;
    cout<<"edi "<<y<<endl;

    system("pause");
    return 0;
    }

    result:
    ss4.png

    constants and literals
    fundamental variable data types:
    data types na built in sa core language ng C++
    example: int, bool, short, long
    ang formal na tawag sa mga values ng mga fundamental variable types ay literals.

    numerical literals
    example, 35, 2.15, 3.1416, 99

    character literals
    "Hello C++"
    'a'
    'W'
    "shuffle"

    constants
    ang constants po ay mga variables na hindi napapalitan ng value.
    syntax:
    const data_type variable_name;

    example:
    const int pi=3.1416;

    char and string
    ang char ay data type na nag istore ng single character like 'A' or 'b'. kapag char ang data type ng isang variable, apostrophe(') ang pinang eenclose sa character.
    ang string, on the other hand ay ginagamit kung more than one character ang value. hindi po fundamental data type ang string at kailangang gumamit ng <string> library para magamit ang string.
    sakop din po ito ng std namespace

    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] "stdafx.h"
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <iostream>
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <cstdlib>
    [HASHTAG]#include[/HASHTAG] <string>
    using namespace std;

    int main()
    {
    string name="Joe";

    cout<<"hello, my name is "<<name<<endl<<endl;

    system("pause");

    return 0;
    }


    output:
    hello, my name is Joe

    Press any key to continue . . .



    for the first part of my tutorial, please see this:
    Please or Register to view links
     
    Last edited: Mar 6, 2015
  2. DCCS

    DCCS Forum Veteran Established

    For the non programming skills or knowledge. Mas maiging i-search niyo kay Mr. Google ang mga hindi niyo maintindihang salita para mas ma-gets at madaling matutunan (y)
     
  3. boss,,may ma e re-refer po ba kayo sakin na codes and their function on c++? gusto po kasi yon e kasi basic muna, knowing, kong meron Thankz.
     
  4. fazz12

    fazz12 Addict Established

    depende yun bossing kung anong problem ang meron ka ngayon or anong gusto mong maachieve, dun natin ibabase kung anung code ang maibibigay natin para masolve yung problem na yun. mejo malawak kasi yung tnung mo e. for instance kung kailangan mo lang na mag add ng dalawang number, yung codes lang sa pag aadd ng dalawang number ang maibibigay natin jan.

    hindi ko muna kinontinue yung series nito kasi wala pa ding gaanong request para icontinue yung series. so if may magrequest , saka ko na lang itutuloy
     
  5. Great tutorial otor saka nagustohan ko ang paraan ng pagpapaliwanag mo...Good job!
     
  6. fazz12

    fazz12 Addict Established

    thanks bro
     
  7. nice one looking for more. :D
     
    fazz12 likes this.
  8. fazz12

    fazz12 Addict Established

    here's my newest post sir
    here's the link
    Please or Register to view links