1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Banana Trivia

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Sep 8, 2015.

  1. SAGING: Ang Pinaka-healthy na Prutas sa Buong Mundo


    “Two bananas a day keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at napakabuti sa katawan.

    Sobrang Dami ang Benepisyo ng Saging:

    1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.

    2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.

    3. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, kumpleto ka na.

    4. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.

    5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.

    6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na.

    7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.

    8. Baka makabawas ng Leukemia at Hika sa Bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.

    Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.
     
    milo1995 and Yamato Kurusawa like this.
  2. aldwin25

    aldwin25 Eternal Poster Established

  3. milo1995

    milo1995 Addict Established

    Thanks sa trivia ts dami pa naman nyan dito sa zambo sabayab pa ng mx3 mangosteen
     
  4. EARZE

    EARZE PHC Contributor Established

    thanks for sharing boss.. (y)
     
Tags / Keywords: