What's new

Closed BAKIT SUMISIGAW ANG TAONG GALIT?

Status
Not open for further replies.
J

Jeanh

Guest
Tatay: Anak alam mo ba kung bakit nagsisigawan ang taong galit kahit magkaharap sila?

Anak: Kasi highblood na po sila

Tatay: Ano pa?

Anak: Kasi nga po galit sila

Tatay: (napangiti sa anak, at sabi nya) Nagsisigawan ang dalawang tao kapag galit kahit magkaharap pa ang mga yan, dahil malayong malayo na ang puso nila sa isat-isa. Malayong malayo na pakiramdam nila, hindi ito maririnig ng isat-isa kung hindi nila isisigaw.

Napapansin mo ba ang dalawang magkasintahan pag nag-usap? malumanay lang at mahina, dinig na nila isat-isa... Bakit? Dahil magkalapit ang kanilang puso.

Yung mga bagong kasal, kahit bulungan lang, dinig na dinig nila... Minsan nga titigan lang, nauunawaan na nila isat-isa. Kasi magkadikit ang kanilang mga puso.

Kaya ikaw anak pagdating ng panahon na galit ka lalo sa iyong asawa o kapamilya, makipag-usap ng maayos at masinsinan... Iwasan mong sumigaw, dahil baka dimo mamalayan, sa kasisigaw mo, masyado nang lumayo ang puso nyo sa isat-isa na baka dumating pa ang panahong gusto mong lumapit, pero di mo na sya makita pa..

"Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot ngunit ang mabigat na salita ay humihila ng galit."
 
always. hays. >.< simpleng favor hnd magawa tuloy nasisigawan ko.. then sa huli paglumayo loob sa akin ako naman kawawa. malambing na nga lang. wait text ko muna. thanks anyway. you guys are always reminding me how to become gentleman with my partner
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top